BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang namumuong sama ng panahon sa Philippine Area of Responsibility ngayong Biyernes.
Ayon kay Elvie Enriquez, weather observer ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, ang isang low pressure area na may kasamang Intertropical Convergence Zone ay namataan sa labas ng Southern Mindanao.
Kasalukuyan ding minomonitor ang isa pang tropical depression malapit sa West Philippine Sea, ngunit malabong makapasok sa Philippine Area of Responsibility. Kung ito man ay makapasok sa bansa, tatawagin itong “Jolina.”
Samantala, nakakaapekto naman ang monsoon sa western sections ng Central at Northern Luzon habang ang ITCZ ay nakakaapekto sa Southern Mindanao.
The post 2 sama ng panahon namataan sa PAR appeared first on Remate.