Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 58431 articles
Browse latest View live

Panahon na naman ni Maricel Soriano!

$
0
0

ANG nag-iisang Diamond Star, si Ms. Maricel Soriano is so back with a vengeance, and how? Ang mga never say die na Maricelians, isang batalyon ang dumating sa muling pagpapalabas ng Ikaw Pa Lang Ang Minahal.

In fairness sa kanila, maliban sa mga special guests sa special premiere night, pinuno nila ang sinehan at ang mga sumunod na screenings para sa pelikula, sold out na rin.

26 years ago ipinalabas ang pelikula kung saan kung saan binigyang katauhan ni Inay Marya si Adela, ang simpleng dalagang heredera na inakit at pinaibig ni David, Richard Gomez.

Kasama rin sa pelikula ang the late great actress Charito Solis, Eddie Gutierrez, Guila Alvarez, at ang much missed producer at sakdal husay na character actress, Ms. Armida Siguion- Best Picture ito ng Urian at Young Critics Circle (YCC) noong 1992. Bukod tanging YCC lamang ang nagbigay kay Marya ng Best Actress/Performer Award noong na taong yun. May nakaa-alala pa ba sa nag-grand slam Best Actress si Lorna Tolentino para sa Narito Ang Puso Ko?

Fresh na fresh ang Diamond Star sa premiere night. Age appropriate ang kanyang black dress, simple but beautiful ang make up, mamahalin ang aura at arrive.
Sa maikling panayam sa Diamond Star, kwento niya, “Pagkakatapos ng matitinding dagok sa buhay ko, after all the rain, I’m back,” madamdaming pahayag ni Maricel.

Ang paborito niyang eksena sa Ikaw Lang ang Mamahalin, “Ay, sweetheart, siempre nung kinakantahan ako ni David, ni Richard. Mahirap kasi yun. Madali kasing umiyak pag malungkot ka, may kaaway ka, o kaya namatayan ka. Pero yung umiyak ka dahil sa kaligayahan, yung parang sasabog ang dibdib mo sa sobrang saya, iba yun. Mahirap yun.”

Dagdag pahayag pa nito, “Wala akong papalitan sa pelikulang ito, maski ang ending, gustong-gusto ko.”

Nagkwento siya tungkol sa 2 Mommies, “Hindi ako pwedeng tumanggi sa pelikulang iyon. Regal yun, kay Mother Lily. Doon na ako tumanda. Ang direktor pa, kapatid ko, si Eric Quizon, so wala akong karapatang tumanggi. Kapatid ko talaga yun, iisnabin ako nun pag tumanggi ako.”

Sa chikang may reunion movie sila nina Dina Bonnevie at Snooky Serna, “Wala pa akong alam diyan. Depende sa istorya, dapat maganda ang istorya.”

Eh sa balitang siya raw ang magiging nanay ni Liza Soberano sa Darna, ang naibulalas niya,”Hindi ko alam ‘yan!”

Biro pa nito, “Gusto ko ring sumigaw ng Darna! pero paano, parang hind na nararapat!”

Kaabang-abang rin siempre ang pagbabalik-teleserye ni Maricel, ang The General’s Daughter ng ABS-CBN.

***

May katotohanan nga kaya ang bulong sa akin na ang mabunying si Gabby Concepcion, ang special lambing daw sa kanyang ex-wife, na sa movie nilang dapat ay pagtatambalan, ang kanilang respective talent fees, ipamana sa kanilang one and only biological daughter, ang rampadorang sakdal ganda sa Palawan sa kasulukuyan, si KC Concepcion?

May semblance of truth nga kaya na si Ate Shawie, hindi pumayag sa nais at nasa ni Concepcion? Matapos ang matagumpay nilang patalastas para sa isang fast food chain, ang movie na dapat mag-re-reunite sila, hindi lang tinuldakan, tapos na talaga with a tandang pandamdam!

Dahil nga sa bulong na ito, mananalig na ba akong may invisible war na nangyayari sa mag-ina, Sharon versus Kristina Cassandra.

Pasaway ba ang dalagang minsan ay minahal si Piolo Pascual, ang lalaking hindi siya ang kailangan?

Matigas ba ang ulo ni KC, na minsan ay naglambing at nakipagmabutihan kay Paulo Avelino na sa bandang huli, luhaan na na naman ang dalagang sagana sa kariktan at karangyaan? Hindi ba ginagamit ni Kristina ang kanyang isip, pag dating sa romansa at pagmamahal, kaya poot na poot ang kanyang Mega Mother sa katotohanang literal siyang tour guide of her ex-boyfie sa Philippine’s last frontier? Nasa hulog ba ang ikinikilos ni KC na siya pa mismo ang kasama of her ex-iniirog sa here, there and ever where na pagrampa?

Marami ang nagdadasal na sana, hindi totoo ang rift nila Cuneta at Concepcion. Kung meron man, may mamagitan sa dalawa, agad-agad para hindi na lumalim pa at tumindi ang kanilang tampuhan. Lahat naman, pwedeng daainin sa matino at mahinahon na usapan. As If/Alwin Ignacio


Bitter pa rin kay James!

$
0
0

GRABE naman itong si Kris Aquino. Kahit ang simpleng birthday greetings lang ni James Yap kay Bimby ay talagang pinatulan niya para mapasama sa paningin ng tao ang ex-husband niya.

On her social media account, Kris lambasted James in her long aria.

“Ngayon patas na tayo, hindi na ko pwedeng ma-accuse ng power tripping. NANAHIMIK ako for so LONG- even when you crossed the line when promoting that bar you are part owner of- nagsalita ka & nasa PEP yung video na napanuod ni Bimb mismo ‘nakakawalang ganang mag effort na magpaka tatay kay Bimb kasi hindi naman appreciated.’ UTANG NA LOOB… flashback 2013- trying hard kang umiyak (i say trying hard kasi walang luha, puro uhog lang) sa interview mo sa TV Patrol dahil ‘pinagkakait’ ko si Bimb sa yo… Ay oo nga pala, of course pinag-aksayahan mo sya ng panahon 5 years ago- kasi nasa Malacañang pa ang Tito nya… Nung tinanong ka bakit hindi ka na nag share sa tuition ni Bimb ang ‘excuse’ mo dahil hindi ka na consult nung ililipat sya ng school..

“Sinunod ko yung annulment compromise financial agreement of 2011 w/c gave you millions; 2014 tayo pumirma ng compromise child support, once ka lang nag abot ng half mo pang education ni Bimb- after the signing. When Bimb saw the post na BINASTOS sya na ‘baklain’ sya, he shrugged it off & said: ‘Mom- who cares? My own biological dad said that about me in court & he’s said it so many other times?’ Nanahimik pa rin ako about that kasi feeling ko- wag mo kaming guluhin, peaceful tayo… Eh humirit ka w/ your birthday post.

“So bakit nga ba hindi kayo nagkikita? Ganito ka simple- wala ka nang pakinabang kay Bimb. Wala na kasi kaming ‘power’ so bakit ka pa didikit? Madali kung gusto mo. Ang kapatid mo ka Facebook si Bincai. Yung napakabait na pamilya from Iloilo na parang 2nd family mo ay ay hanggang ngayon ka close ni Ate at Pinky… you are missing out on experiencing what a caring, generous, polite & lovable boy Bimb is- and it is your LOSS. I am ready to be bashed for washing our dirty laundry (of course w/ Ariel Antibac w/ the power of Safeguard) on IG BUT this mother has had it w/ half truths & hypocrisy & she needed to make a stand for truth.”

‘Yan ang aria ni Kris na pinagtaasan namin ng kilaw. Pinalalabas niya kasing ngayong wala na sila sa puwesto ng kanilang pamilya ay lumayo na si James sa kanya. Ipinamukha rin niyang millions ang nakuha ni James sa annulment compromise financial agreement. Kasi naman, wala kayong pre-nup agreement kaya napunta ang milyones mo kay James. Ang tigas kasi ng ulo mo, hindi mo sinunod ang mom mo na dapat may pre-nup agreement kayo kaya iyan ang napala mo.
Hay naku, Kris, kahit kailan hindi ka pa naka-move on kay James. Until now ay bitter ka pa rin pero si James ay super happy na sa kanyang bagong pamilya.
***
Marami ang naniniwalang hindi si Mark Bautista ang guy sa kumakalat na video scandal lately.

Saw the photos and we can say na hawig lang ni Mark ang guy. Mas guwapo at makinis ang guy kaysa sa singer.

Ang feeling din ng netizens ay lookalike lang ni Mark ang lalaki sa video na nakahubad.

“Kamuka lng pero hndi sha.”

“Kahawig pero alam mo talaga na hindi sya.”

“kalokalike lang teh, wag masyadong hater.”

“Not mark bautista…. if you scrutinize the face.”

“Not him haha kaloka. Masyado malaki pagitan ng nose and lips nya.”

“Not a Mark fan but guys, for real. I can tell it’s not him. May resemblance yeah.” Uncut /Alex Brosas

Brandon Vera nagpakasal na

$
0
0

NAG-ASAWA na ang Filipino-American mixed martial arts fighter na si Brandon Vera.

Si Vera ay ikinasal sa kanyang girlfriend na si Jessica Craven sa Guam.

Magugunitang nagkakilala ang dalawa sa California na naging ‘engaged’ sa isa’t isa noong isang taon.

Sa kanilang wedding ceremony, suot ni Vera ang isang long-sleeved barong at pinalitan ito ng sando-barong – isang sleeveless variation ng Filipino formal wear – para sa reception.

Sinasabing ang gown ni Craven ay gawa ni local atelier Patricia Santos. (GP)

80K na trabaho iaalok sa job fair sa May 1

$
0
0

HALOS 80,000 local at overseas job openings ang iaalok sa mga jobseekers sa isasagawang nationwide job at business fair, na idaraos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Labor Day sa Mayo 1.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, posibleng madagdagan pa ang naturang bilang ng employment opportunities sa 53 sites na pagdarausan ng Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job at business fairs, na iniorganisa ng kanilang tanggapan, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ng kalihim na ito ang pamamaraan ng gobyerno upang mabigyan ng pagkilala at parangal ang mga manggagawang Pinoy sa pagdiriwang ng Labor Day.

Nabatid na kabuuang 829 employers, na binubuo ng 666 local at 163 overseas employers, ang lalahok sa naturang job fair at magkakaloob ng may 78,675 local, overseas, at government jobs.

Kabilang umano sa mga top local jobs na may pinakamaraming vacancy ay mga sundalo (AFP/PNP) –4,002; customer service representative – 1,470; production worker/factory worker – 1,443; mason (finishing/rough) – 1,385; call center agent – 1,306; production machine operator – 1,288; construction worker – 900; BJMP (government) – 889; service crew – 880; at karpintero (finishing/rough) – 708.

Para naman sa overseas employment, karamihan sa mga bakanteng trabaho ay nurses – 3,988; technician – 1,546; food and beverage staff – 689; engineers (mechanical, electrical, civil) – 344; production worker/ factory worker – 300; sales associate professional – 200; construction worker – 200; assistant head manager – 174; cook – 157; driver (general) – 150; at housekeeping attendant – 123.

Sa National Capital Region (NCR), mayroong 18 job at business fair sites na matatagpuan sa Valenzuela Astrodome, Valenzuela City; SM Tunasan, Muntinlupa City; Taguig City; SM Bicutan; SM Sucat, Paranaque City; SM BF, Paranaque City; Robinsons, Las Pinas City; SM Center, Las Pinas City; SM Southmall, Las Pinas City; Pasig City (April 27); SM Marikina City (date to be determined); San Juan City (April 21); SM Megamall, Mandaluyong City; SM Manila, Manila City; SM San Lazaro, Manila City; Cuneta Astrodome (May 10); Quezon City Hall grounds; at Fisher Mall, Quezon City (date to be determined).

Sa Luzon, ang mga TNK sites ay matatagpuan sa Baguio City National High School – Main Campus sa Cordillera Administrative Region; SM City Rosales, Pangasinan; Robinsons Ilocos Norte; Pangasinan PESO Compound, Lingayen in Region 1; Robinsons Mall, Santiago City, Isabela; SM City, Cauayan, Isabela; at SM Downtown Tuguegarao, Cagayan sa Region 2; Baler, Aurora; Balanga City, Bataan; SM City Marilao, Bulacan; SM City Cabanatuan, Nueva Ecija; SM City Downtown, San Fernando, Pampanga; SM City Clark, Angeles City, Pampanga; SM City Pampanga; SM City Tarlac; at Harbor Point Mall, Subic, Zambales sa Region 3.

Mayroon ring job at business fair sites sa Calamba, Laguna (Region 4A); Bansud, Oriental Mindoro at SM Puerto Princesa City, Palawan (Region 4B); SM City Naga at Pacific Mall, Legazpi City (Region 5).

Ang mga jobseekers sa Visayas region ay maaari namang bumisita sa TNK sites sa Marymart, Iloilo City (Region 6); IC3 Pavillion, Cebu City (Region 7); at Tacloban Convention Center, at Ormoc City Hall, Tacloban City (Region 8) habang sa Mindanao, ang mga job fair sites ay nasa Zamboanga Economic Zone, Talisayan, Zamboanga City; KCC Mall, Zamboanga City; City Hall Lobby, Isabela City; Plaza Luz, Pagadian City; at Ipil Municipal Covered Court, Zamboanga Sibugay (Region 9); Limketkai Center, Cagayan de Oro City (Region 10); Gaisano Mall of Davao at SM City Davao (Region 11); SM City General Santos (Region 12); at Hotel OAZIS, Butuan City, Agusan del Norte (CARAGA).

Ang 2018 Araw ng Paggawa ay gugunitain sa ilalim ng temang ‘Pagpupugay sa Manggagawang Pilipino: Dangal ng lahi, kabalikat sa progresibong pagbabago.’ MACS BORJA

MRT-3 may libreng sakay sa Mayo 1

$
0
0

MAGANDANG balita para sa mga pampubliko at pribadong sektor, dahil magkakaloob ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay para sa kanila sa Mayo 1, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-116 anibersaryo ng Araw ng Paggawa sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hiniling niya sa Department of Transportation – Metro Rail Transit 3 (DOTr-MRT3) na magpatupad ng libreng sakay para sa mga manggagawa, na kaagad naman umanong sinang-ayunan at inaprubahan ng mga ito.

Nabatid na ang libreng sakay ay mula 7:00 ng umaga hangang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi sa Mayo 1.

Kinakailangan lamang umanong magprisinta na company identification cards ng mga manggagawa mula sa private at public sector upang maka-avail ng libreng sakay.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula sa Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City at pabalik. MACS BORJA

Mga Pinoy pabor sa Concon

$
0
0

KARAMIHAN o mayorya ng mga Pinoy ang pabor na Constitutional Convention (Con-Con) ang gamiting paraan sa pag-amiyenda ng 1987 constitution o Saligang Batas ng Pilipinas.

Lumabas sa March 2018 Veritas Truth Survey (VTS) sa 1,200 respondent mula sa Mega-Manila na kinabibilangan ng National Capital Region, Cavite, Laguna, Antipolo at Bulacan, na nasa 38-porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa Constitutional Convention habang 21-porsiyento naman ng mga respondent ang sang-ayon sa Constituent Assembly (Con-Ass) habang 41-percent ang nalilito o hindi pa makapagdesisyon kung anong paraan babaguhin ang 1987 constitution.

Batay pa sa survey, 41-porsiyento ng male respondents ang gusto ng Con-Con at 33-percent sa mga babae habang 18-percent ng mga lalaki ang pabor sa Con-As at 16-percent sa mga babae habang 49-percent naman sa mga babae at 41-porsiyento ng mga lalaking respondent ang nalilito pa.

Sa tanong naman kung nauunawaan ng mga Pilipino ang Con-Con at Con-Ass, natukoy na 41-porsiyento ng mga respondent ang nagsabing OO habang 39-percent naman ang HINDI at 20-percent ang medyo nakakaunawa.

Nasa 46-percent naman ng male respondents at 33-percent ng mga babae ang nakakaunawa sa Con-Ass at Con-Con habang 46-percent ng mga babae at 35-percent ng mga lalaki ang hindi nila alam ang mga ito.

Katig rin naman sa Con-Con ang 48-percent ng mga teenager na may edad 13-20, 33-porsiyento ng young adults na may edad 21-39 taong gulang, 34-percent ng adults na may edad 40-60 at 28-porsiyento ng elderly na nasa edad 61-taong gulang pataas.

Batay sa antas ng pamumuhay, 42-percent ng mga kumikita ng P60,000 hanggang P149,000 ang pabor sa Con-Con, 41-percent naman sa mga may income na P40,000 hanggang P50,000; 41-percent sa kumikita ng P30,000 hanggang P40,000; 40-percent sa may income na P150,000 pataas; 33-percent sa may income na P10,000 hanggang P30,000 at 33-percent sa mga kumikita ng P10,000 pababa.

Ang Veritas Truth Survey ay mayroong margin of error na +/- 3-percent na isinagawa ng Radio Veritas Research Department. MACS BORJA

Comelec maglulunsad ng voter’s education

$
0
0

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na paigtingin pa ang kanilang voter’s education initiative para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito’y kasunod na rin ng ilang problemang naobserbahan sa isinagawang simulation sa naturang halalan na idaraos sa Mayo 14.

Ayon kay acting Comelec chairperson Al Parreño, makatutulong ang voter’s education at training para maiwasan sa mismong araw ng halalan, ang mga pagkakamaling kanilang naobserbahan sa simulation na kanilang isinagawa.

Nabatid na habang nagbibilangan ng boto ay naobserbahan ng mga election officers na nagkaroon ng kalituhan ang mga botante sa mga balota para sa pambarangayang halalan at SK polls at napagpalit ang mga ito.

Partikular na nagkamali yaong mga botanteng eligible na bumoto para sa barangay at SK polls.

Kahit umano sinabihan na at may nakasulat naman na instruksyon sa board ay nalito at napagpalit pa rin ng mga ito ang mga balota.

“Still, nalilito pa rin po sila. ‘Yung pang-barangay (na balota), inilalagay nila ang boto nila doon para sa SK,” ayon kay election officer Anna Abella.

Binigyang-diin naman ni Abella na hindi bibilangin ang mga misplaced ballots kaya’t dapat na tiyakin ng mga botante na maisusulat ang pangalan ng mga kandidatong kanilang iboboto sa tamang balota upang hindi masayang ang kanilang boto.

Matatandaang may 100 botante, na kinabibilangan ng mga kabataan at senior citizen, ang lumahok sa mock elections sa clustered precincts 63 at 64 sa Rosauro Almario Elementary School sa Kagitingan Street sa Tondo, Manila, mula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga kamakalawa.

Sa ilalim ng simulation, ang mga botanteng nagkakaedad ng 15 hanggang 17-anyos ay binigyan ng balota para sa SK polls, habang ang mga nasa 18-30-anyos ang edad ay pinayagang makaboto sa SK polls, gayundin sa barangay elections.

Ang mga nagkakaedad naman ng 31 taong gulang pataas ay binigyan lamang ng balota para sa halalang pambarangay. MACS BORJA

Mga Pinoy na nakakulong sa Indonesia, tutulungan ni Bong Go

$
0
0

HAHANAPAN ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go ng mas mabilis na solusyon ang problema ng iba pang mga mangingisdang Pinoy na inaresto at nakakulong sa Indonesia.

Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at maging kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay ipinangako ni Go na mas mapapabilis na ang repatriation process ng mga natitira pang filipino fishermen sa nasabing bansa.

Nauna rito, pinangunahan ni Go ang welcome program para sa 31 mangingisdang Pinoy na na-repatriate mula sa Indonesia.

Ang welcome ceremony ay isinagawa sa Camp Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario, Panacan Davao city.

Dito rin personal na iniabot ni Go ang cash assistance sa 31 isang Pinoy repatriates kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development, Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Department of Foreign Affairs.

Kabilang sa 31 repatriates si Randy Capricho na naaresto sa Indonesia noong November 28, 2016 dahil sa illegal na pangingisda habang buntis noon ang asawang si Marjuri.

Sa isinagawang welcome ceremony, labis ang pasasalamat ni Marjuri kay SAP Go dahil sa ipinakita nitong pagkalinga at suporta sa kanilang pamilya at sa iba pang repatriates.

Bilang tugon naman ay nangako si Go na patuloy ang pagsisikap niya at ng kanyang tanggapan na mapabilis ang repatriation process ng mga Filipino fishermen na inaresto at nakakulong sa Indonesia. KRIS JOSE


Chinese nat’l timbog sa P15M shabu

$
0
0

ARESTADO ang isang Chinese national matapos makuhanan ng tatlong kilo ng hinihinalang shabu na aabot sa P15-milyon sa buy-bust operation kagabi sa Maynila.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabing operasyon na ikinaaresto ng suspek na nakilalang si Qingchu Xu, 37, ng Fujian, China.

Limang taon nang nakatira ang suspek sa Pilipinas at galing ito ng Fujian, China.

Sa ulat, nakuha ang isang kilo sa pag-iingat ni Xu habang nakuha sa kanyang sasakyan ang dalawang kilo pa na hinihinalang idedeliber na sa mga kostumer.

Bukod dito, kinumpiska rin ang kanyang sasakyan na umano’y ginagamit sa pagdedeliber ng droga.

Nabatid na dalawang buwan nang isinailalim sa surveillance ang suspek bago ito nasakote sa service road ng Pasaje del Carmen at Roxas Blvd. sa Maynila.

Iniimbestigahan na ang suspek at inaalam kung konektado ito sa Dragon Wu drug syndicate na nasa likod ng mga shabu laboratory at warehouse na nadiskubre sa Malabon, Batangas at Marikina.

“Iniimbestigahan pa natin. Wholesaler ito. I believe my botikang pinagkukunan ito,” pahayag ni Fajardo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

 

Lalaki pinasabog ang tenga, patay

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang motibo sa pagpatay sa isang 42-anyos na electrician na binaril sa ulo habang naglalakad sa Tondo, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Estrella, walang asawa, residente ng 1042 New Antipolo St., Tondo, Maynila.

Inaalam nama ang pagkakilanlan ng dalawang hindi nakilalang suspek na responsable sa pagpatay sa biktima.

Sa imbestigasyon ni MPD-Homicide Section investigator SPO3 Chares John Duran, ganap na alas-11:35 ng gabi nang mangyari ang insidente sa harap ng barangay hall ng Barangay 218 na matatagpuan sa kahabaan ng New Antripolo Street sa Tondo.

Nauna rito, nagpaalam umano ang biktima sa kanyang kapatid na si Cristina Estrella na huwag i-lock ang pinto ng kanilang bahay dahil bibili lamang ito ng Tapsilog.

Habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Antipolo Street nang biglang nilapitan ng lalaking nakasuot ng ball cup at walang sabi-sabing binaril sa kaliwang tenga.

Nang maisakatuparan ang pakay ay saka sumakay sa isang kulay itim na sasakyan saka mabilis tumakas.

Inaalam na ng pulisya kong may CCTV sa lugar na maaring makapagtukoy sa pagkakailanlan ng mga suspek.

Narekober sa crime scene ang basyo ng .45 kalibre ng baril na ginamit sa pamamaril sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lolo, pinagtulungan saksakin ng mag-anak

$
0
0

PATAY ang 53-anyos na construction worker matapos pagtulongang saksakin at bugbogin ng tatlong lalaki sa Tondo, Maynila kagabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na nakilalang si Noel Mandahuyan, may-asawa, residente ng Building 29 Unit 37, Aroma Compound, Tondo,Maynila.

Naaresto nama ang isa sa tatlong suspek na si Raul Navarro, nasa hustong gulang at residente rin ng nasabing unit habang pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawa pang suspek na sina Jeffrey Duran alyas Anding, nasa hustong gulang at Megn Duran, kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz, imbestigador ng Manila Police District-Homicide section, dakong alas-6:30 kagabi nang maganap ang insidente sa ikalawang palapag ng Building 29.

Sa salaysay ng testigong sina Rosemarie at Josephine Olitan, sa di mabatid na kadahilanan ay dinamba umano ang biktima ng tatlong suspek na noo’y armado ng patalim.

Habang pinatutulongang saksakin ng mag-anak na Duran ang biktima ay sinusuntok at sinasampal naman ito sa mukha ni Navarro.

Tinangka pa umanong makatakas ng biktima sa mga suspek subalit patuloy siyang inundayan ng saksak sa katawan.

Matapos ang pananaksak ay saka tumakas ang mga suspek subalit nahuli si Navarro sa isang follow up operation ng MPD-Station 1.

Sasampahan ng kasong murder si Navarro na nakatakdang iharap sa Manila prosecutors Office para sa Inquest proceedings gayundin kaparehong kaso din ang isasampa laban sa mag-anak na Duran. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Plastic pollution, sinasakal ang ating katubigan –Villar

$
0
0

IGINIIT ni Sen. Cynthia A. Villar ang matinding pangangailangang wakasan ang umiiral na suliranin sa plastic pollution sa buong bansa kasabay ng pagdidiin sa banta ng plastic waste leakages sa ating wildlife at marine resources.

Isinusulong ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources, ang expanded national effort upang mabawasan, kundi man lubusang mapahinto ang paggamit ng plastic wastes.

Ito ay inisyal na solusyon na tapusin ang plastic waste pollution sa bansa lalo na sa urban areas kung saan ang mga plastic products ay regular na ginagamit na packaging materials.

‘The use of plastic products over the years has taken its grim toll on our natural resources. Our marine waters are choking from plastic wastes that have been dumped into our waters. We are ranked third next to China and Indonesia in terms of estimated volume of mismanaged plastic wastes produced by the population that could potentially enter the seas and oceans,’ ani Villar .

Pinuna rin ni Villar ang mabagal na pag-usad ng kampanya laban sa plastic consumption. Aniya, hindi masyadong pinag-uukulan ng pansin ng manufacturers at users ang environmental, climate at health impacts ng plastic use.’

Ang pahayag ay ginawa ni Villar sa pagdiriwang ng Earth Day 2018 at 11th Anniversary ng pagtatayo sa 175-hectare Las Pinas-Parañaque Wetland Park na tinaguriang “last coastal frontier of the Asean region.” Ang dalawang pagdiriwang ay idinaos sa Las-Pinas Paranaque Wetland Park.

‘The government needs to take bolder and more innovative measures to control the entry of plastic wastes into our waters, which are destroying our marine natural resources and the habitats of resident and migratory wild birds,’ sabi pa ni Villar na kilalang environment advocate.

Binanggit niya ang mga pananaliksi na nagpapakitang kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming plastic wastes na itinatapon sa karagatan.

Umaasa ang senador na ipagpapatuloy ng pamahalaan at environmental groups ang kanilang kampanya para mapahinto ang plastic waste leakages.

Nakipag-partner ang Villar Sipag sa Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) para ipagdiwang sa taong ito ang Earth Day.

Ang selebrasyon ay may temang ‘End Plastic Pollution’ na napapanahon upang pukawin ang inters ng pamahalaan at publiko para lalo pang mapangalagaan ang Las Pinas-Paranaque Wetland Park, isang nature reserve na may mangroves, ponds at lagoons, mudflats, salt marshes, at mixed beach forest.

Ipinagdiwang din ng partnership ang ika-11 taon simula nang maitatag ang Las Pinas-Paranaque Wetland Park sa pamamagitan ng Presidential Decree 1412 bilang kauna – unahang critical habitat sa bansa.

Kinilala rin ito noong 2013 ng Ramsar Convention na “wetland of international importance.” Binubuo ang Las Pinas-Paranaque Wetland Park ng 2 isla – Freedom Island at Long Island, na paboritong pahingahan at refueling stops ng migratory birds na gumagamit sa East Asian – Australasian Migratory Flyway. Host ito sa 41 species ng migratory birds na ang iba ay galing pa sa China, Japan at Siberia. Meron din itong 114 ektaryang mudflats na nagsisilbing feeding grounds sa wild birds.

Meron din ang Las Pinas-Paranaque Wetland Park ng mahigit 36 ektarya ng mangrove forest, ang pinaka makapal at pinaka-diverse sa nagtitirang mangroves sa Manila Bay. Matatagpuan din dito ang salt marshes na mahalaga upang mabatid ang kalusugan ng coastal area.

Sa pagdiriwang sa Earth Day 2018 at sa 11th Anniversary ng Las Pinas-Paranaque Wetland Park establishment, nakiisa sina Villar at DENR sa Greenpeace Philippines at nag-organisa ng photo exhibit na may titulong ‘Plastic Pollution: Threats and Solutions.’ Nakatuon ito sa klieglights sa isyu ng plastic pollution at ang impact nito sa mga residente at migratory wild birds na madalas sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park.

Ipinakita rin sa exhibit ang installation art ng layers ng mga basura na nasa karagatan ng Las Pinas-Paranaque Wetland Park upang bigyan diin ang lawak ng plastic pollution sa Manila Bay.

Itinampok din sa exhibit ang creative solutions para mabawasan at ma-recycle ang plastic pollutants.

Nagpakita ng kanilang mga produkto mula sa recycled plastic ang mga grupong Cavitex, Villar SIPAG Foundation at Polystyrene Packaging Council of the Philippines.

Ipinakita naman ng Holy Spirit Entrepreneurs, Diega’s Group at Human Heart Nature ang mga produktong gawa sa iba’t ibang basura kabilang ang mga plastic at eco-friendly products. Ibinebenta rin nila ang mga ito.

Nasa display din ang participative mural kung saan maaaring pintahan ng mga volunteers ang hindi pa natapos na design bilang pangako na bawasan ang paggamit ng plastic sa kanilang lifestyle.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang, nagkaroon ng coastal clean-up sa baybayin ng Las Pinas-Paranaque Wetland Park kung saan tambak na basura ang nakuha. Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa Local Government Units ng Las Piñas City at Parañaque City, Department of Public Works and Highways – NCR, at Metro Manila Development Authority. CESAR MORALES

Solusyon sa ‘Nakaw Load’ ilalatag sa Senado

$
0
0

NAKATAKDANG magbigay ng update ang telecommunications companies ukol sa kani-kanilang ginawang pagkilos at solusyon sa pagpapatuloy ng gagawing pagdinig ni Senador Bam Aquino ukol sa reklamo na may kinalaman sa pagkawala ng prepaid loads o nakaw load sa Lunes (Abril 23).

“We identified specific solutions during the first hearing so that prepaid consumers no longer encounter dubious load deductions,” wika ni Sen. Bam, na pinangungunahan ang imbestigasyon bilang chairman ng Committee on Science and Technology.

“Mahigit isang buwan na mula noon kaya inaasahan nating naipatupad na ang mga solusyong ito,” dagdag ni Sen. Bam.

Sa unang pagdinig ng komite noong Marso 5, iginiit ni Sen. Bam na dapat maging malinaw ang telecommunication companies sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa subscribers kung may nadagdag o nabawas na load sa kanilang account.

“Mahalagang agad na malaman ng subscribers kung may nadadagdag o nababawas na load sa kanilang account sa pamamagitan ng abiso mula sa telco,” said Sen. Bam.

Sa pamamagitan nito, mababantayan ng subscribers ang kanilang load at agad nilang makakansela ang anumang serbisyo na hindi nila kinuha.

Nanawagan din si Sen. Bam sa telcos na magpatupad ng audit ng lahat ng value-added service (VAS) subscription, upang protektahan ang subscribers sa hindi makatwirang pagbawas sa kanilang load.

Nangako ang isang telco na magsasagawa ng system refresh na mag-aalis sa kanilang subscribers sa lahat ng VAS subscriptions at magpapatupad ng mas mahigpit na proseso ng pagpaparehistro para sa extra service.

Ipagpapatuloy ng komite ang imbestigasyon sa Lunes (Abril 23), 10 a.m. sa Recto Room ng Senate of the Philippines.

Ipinatawag ni Sen. Bam ang pagdinig sa bisa ng Senate Resolution No. 595, na nag-aatas sa komite na alamin ang kapasidad at kahandaan ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan at mga regulators para magpatupad ng patakaran upang protektahan ang milyun-milyong prepaid mobile subscribers. ERNIE REYES

Guro na nanghalay ng atleta kakasuhan ng DepEd

$
0
0

GALIT na galit si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones at pinamamadali ang pagsasampa ng kaso kontra sa guro mula sa Cebu na diumano’y nangmolestiya ng isang atleta sa 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos Sur.

Ayon kay Deped Undersecretary Tonisto Umali, iniutos umano ni Sec. Briones ang pagsampa ng kasong administratibo at kriminal laban kay Rodymar Lelis, 28-anyos.

Isiniwalat ni Umali na matibay ang ebidensya laban sa naturang guro ngunit dadaan pa rin ito sa due process.

Gawing mabilis aniya ang imbestigasyon at kung mapatunayan mang nagkasala si Lelis, haharap ito sa parusa.

Kung maaalala, inireklamo ng act of lasciviousness ng 14-anyos na atleta ang guro na umano’y nagtangkang manghalik sa kanya sa loob ng CR sa venue ng sporting event.

Nagtanong pa raw ito kung magkano ang kanyang presyo.

Boksing suko na kay Donaire

$
0
0

MALUNGKOT man, pero nalalapit na ang pagtatapos ng career sa boksing ng tinaguriang Pinoy Flash Nonito Donaire matapos matalo via unanimous decision kontra kay Carl Frampton sa laban nila sa SSE Arena in Belfast, Ireland.

Ayon sa mga boxing analyst, mas mabilis at malakas si Frampton kay Donaire kahit pa nasaktan ng Pinoy ng ilang beses ang Irishman ay dinomina pa rin siya nito sa bawat round na naging dahilan ng kanyang pagkatalo.

Maaari pa umanong lumaban si Donaire ng kanyang farewell fight pero makikita sa kanyang laro na malaki na ang pinagbago nito at napapanahon na para ito magretiro o magsabit na ng kanyang gloves.

Sinubukan ng 35-year-old na si Donaire na talunin si Frampton pero talagang mas malakas at mabilis ang Irishman. Nagkaroon pa ng cut si Donaire sa seventh round dahil sa umpugan ng ulo.

“I stuck to our game plan. My boxing was beautiful. I didn’t have to get involved in a fight,” ani Frampton, dating two-time world division champion. “Donaire is a dangerous mother for 12 rounds.

“The 11th round I was definitely hurt,” pag-amin ng Irishman na nag-imprub ang record sa 25-1 (14 KOs) at nakatakdang labanan si unbeaten WBO regular featherweight champion Oscar Valdez.

Maliwanang ang hinaharap ni Frampton subalit tila dumidilim naman ang kay Donaire na tila nasa dulo na ng kanyang magandang boxing career.

Dahil sa pagkatalo, lumagap ang Pinoy sa record na 38-5 (24 KOs) na nagtamo ng apat na sunod-sunod na talo sa apat na laban.


Cavs vs Pacers, 2-2

$
0
0

NASAYANG ang double-digit na kalamangan ng Cleveland Cavaliers sa unang quarters pero nakarecover din para tuluyang talunin ang Indiana Pacers, 104-100 at maitabla ang serye sa 2-2 sa Eastern Conference first round playoff series.

Nakuha ng Cavaliers ang 49-33 na pangunguna sa second quarter matapos ang 3 pointers ni Jordan Clarkson pero sa 4th quarter ay lumamang pa ang Pacers sa iskor na 82-83.

Lumaban ng husto ang Cleveland upang mabawi ang kalamangan sa pangunguna ni Kyle Korver at LeBron, 96-93.

Nagtapos si James na may 32 points sa kanyang 12 na naipasok sa 22 na ibinato, habang si Korver ay umambag ng 18 points.

Pumutos si JR Smith ng 12 habang 12 din ang inaambag ni Clarkson.

Nanguna naman para sa Pacers si backup center Domantas Sabonis na may 19 points habang ang kanilang limang starters ay umiskor na double digits.

Kumamada sina Myles Turner at Victor Oladipo ng tig-17 points.

Alab desididong magkampeon

$
0
0

NASUNGKIT ng Alab Pilipinas ang kanilang unang panalo sa best-of-five series kontra sa Mono Vampire sa finals ng Asean Basketball League.

Sa Pilipinas ginanap ang unang laro sa finals ng Alab at Mono kungsaan nangailangan ang mga Pinoy ng overtime para makuha ang panalo sa matinding bakbakang ginanap sa Sta. Rosa Multi Purpose Complex.

Inaasahan na ni coach Jimmy Alapag na matinding laban ang kanilang haharapin kontra Vampire kahit pa tinalo nila ito ng dalawang beses sa regular season.

“They’re playing really well. You look at the way (Jason) Brickman has upped his play in the playoffs, we have work cut out for us,” ani Alapag.

“For us, kailangan right from the start we start the series strong. In a best of five series, the first game is what’s really more important. It’s important we get off to a strong start,” dagdag pa nito.

Inamin ni Alapag na matindi ang ipanagbago ng dalawang squad sa paghaharap nila sa finals.

Nanguna sa panalo ng Alab si Renaldo Balkman matapos dimonahin ang 7-foot-5 import na si Samuel Deguara at umiskor na 31 points at 13 rebounds.

Bida rin ang matinding larong ipinakita ni Justin Brownlee na nagbigay ng panalo sa Pilipinas.

Elite pisak sa Dyip sa opening ng PBA

$
0
0

WALANG awang sinagasaan ng Columbian Dyip ang Blackwater Elite 126-98, sa unang laro sa pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup.

Hindi na nagpreno ang Dyip na dating Kia Picanto hanggang sa pagpasok ng last quarter para kuhanin ang panalo kontra sa Elite.

Nagmaneho para Dyip si Jeramy King na nakapagtala ng 30 points habang humarurot ng 22 points si Rashawn McCarthy.

Umangkas din ng 14 points si Carlo Lastimosa habang sumabit ng tig-12 points sina Eric Camson at Ronald Tubid.

Samantala, hiniya ni Terrence Romeo at TNT Ka Tropa ang dati nitong koponan na GlobalPort Batang Pier 128-114.

Bumida sa panalo ng TNT si Jayson Castro na kumamada ng 21 points, habang mayroong 20 points naman si Roger Pogoy, 16 points kay Jericho Cruz, import na si Jeremy Tyler na may 14 points at 11 points naman si Romeo.

Umabot pa sa 21-points ang kalamangan ng TNT hanggang makahabol ng Globalort sa last quarter .

Nagkaroon naman mainitang pagtatalo sa pagitan Jessie Saitanan ng TNT at Malcolm White ng GlobalPort.

Spurs naisahan ang Warriors

$
0
0

BINUHAY ng San Antonio Spurs ang kanilang dugo at hindi hinayaang ma—sweep sila ng Golden State Warriors nang maitala ang panalo 103-90.

Nanguna sa panalo ng Spurs si LaMarcus Aldridge na nakapagtala ng 22 points.

Mula pa noong unang quarter ay naitala na ng Spurs ang kalamangan at hanggang mapalapit sa 3 points ng Warriors ang laban.

Dahil sa panalo ay mayroong 1 panalo na ang Spurs habang isang panalo na lamang ang kailangan ng Warriors para makapasok sa 2nd round ng playoffs.

Nadal hari ng Monte Carlo

Nasungkit ni Rafael Nadal ang korona ng Monte Carlo Masters matapos talunin si Kei Nishikori.

Naibulsa ng Spain tennis star ang score na 6-3. 6-2 para maitala ang pangatlong beses na magkakasunod na makuha ang nasabing titulo.

Ito na rin ang pang-11th championship ng world number.

Itinuturing nitong isang paghahanda para sa French Open sa susunod na buwan.

Tokyo todo paghahanda sa hosting ng 2020 Olympics

$
0
0

ABALANG-ABALA ang Tokyo sa paghahanda sa nalalapit na paghohost ng 2020 Olympics.

Ayon kay John Coates, chairman ng International Olympic Committee coordination ng 2020 Olympics, nagsanib sila ng National Olympic Commitees (NOC) at international sporting federations para sa nasabing preparasyon.

Ibinida ni Coates na mayroong 200 na NOC ang bibisita sa Tokyo sa buwan ng Nobyembre para isagawa ang ilang inspections.

Dagdag pa nito na may mga katanungan pa rin na dapat agad na masagot para hindi umatras ang ilang mga stakeholders.

Nauna rito sinabi ni Tokyo 2020 President Yoshiro Mori na magpapatupad sila ng pagtitipid sa nasabing hosting.

Viewing all 58431 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>