Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all 58476 articles
Browse latest View live

MWSS muling kinastigo sa napipintong kakapusan ng suplay ng tubig

$
0
0

MANILA, Philippines – Muling nakatikim pambabatikos ang Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) sa namimintong kakapusan ng suplay ng tubig sa Kamaynilaan dahil paulit-ulit na problemang hindi nabibigyan ng kalutasan.

Sa pahayag, muling kinastigo ni Senador Grace Poe, chairman ng Senate committee on public service na tila déjà vu ang pangyayari na hindi nabibigyan ng solusyon sa kabila nang palaging paalala sa ahensiya.

“The possible water interruption if MWSS decreases water pressure gives a sense of déjà vu. Paulit-ulit lang ang nararanasan nating kakulangan sa tubig tuwing tag-init,” giit ni Poe.

Sinabi ni Poe na alam naman ng MWSS na foreseaeable climate pattern ang El Nino na dapat napaghahandaan sa mahabang panahon tulad ng ginagawa sa ibang bansa na palaging may nakaantabay na contingency plan sa ganitong senaryo.

“Concerned agencies and water concessionaires should have been prepared from the outset to ensure consumers would no longer suffer the nightmare of not having a drop from the tap,” giit ni Poe.

Inasahang magkakaroon ng kasagsagan ng El Nino sa buwan ng Abril hanggang Mayo na tinatawag na meteorological drought at maaari pang tumagal hanggang katapus ng Hunyo sa kabila ng inaasahang pabugso-bugsong pag-ulan.

Sinabi pa ni Poe na matinding mararamdaman ng kakapusan ng suplay ng tubig sa kabahayan, negosyo, paaralan at iba pang consumer.

“A sufficient water supply is a ubiquitous problem. But in a country visited by typhoons at an average of 21 times a year, concessionaires should invest more and expedite better water infrastructure,” ayon kay Poe. Ernie Reyes

The post MWSS muling kinastigo sa napipintong kakapusan ng suplay ng tubig first appeared on Remate Online.


ACR ng dayuhan na sangkot sa POGO-crimes, pinababawi ni Win

$
0
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Win Gatchalian sa Bureau of Immigration (BI) na maagap na kumpiskahin ang alien certificate of registration card (ACR-I) na inisyu sa sinumang dayuhang konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na sangkot sa maraming krimen.

“Dapat kumpiskahin ang mga pisikal na cards dahil sa ating bansa, malaking bagay ito. Sa sandaling magpakita ka ng card, mayroong agarang pagpapalagay ng pagiging lehitimo. At dahil mga kriminal ang sangkot dito, kabilang ang mga sindikato ng human trafficking, nakakabahala na mayroon silang mga ID. Kaya mas mabuting kumpiskahin na ang mga ID na ito para hindi na nila uli magamit,” ani Gatchalian.

Dahil hindi interconnected ang mga ahensya ng gobyerno, walang paraan para suriin ng iba pang mga ahensya ang bisa ng impormasyon, paliwanag ng senador.

“Ang kawalan ng connectivity na ito ay nagbibigay-daan para maisip ng ibang tao na ang may hawak ng government-issued IDs ay ligal sa bansa dahil sa impormasyong tinukoy sa mga ID na iyon,” paliwanag ni Gatchalian sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa illegal na paglaganap at paggamit ng government documents ng dayuhan.

Ayon kay Gatchalian, nire-recycle lang ng manggagawa ng POGO, partikular na ang mga sangkot sa iligal na aktibidad, ang paggamit ng naturang ACR upang bigyang-katwiran ang kanilang patuloy na pananatili sa bansa at maituring silang ligal.

Binanggit niya ang kaso ng mga ACR na narekober sa isang police raid na isinagawa noong Oktubre ng nakaraang taon sa Smart Web Technology, isang POGO establishment sa Pasay City.

Napansin ng senador na ang mga rehistradong employer sa ACR ay ang Brickhartz Technology Inc., isang POGO service provider na sangkot sa kasong kidnapping at human trafficking; at SA Rivendell Global Support, Inc., isa pang POGO-accredited service provider na sinalakay ng pulisya noong Agosto 2023 dahil sa pagkakasangkot nito sa mga iligal na aktibidad.

“Nakakabahala dahil ito ay nagpapahiwatig na ang mga ID na inisyu ng gobyerno ay nire-recycle lang upang gumawa ng mga iligal na aktibidad,” sabi ni Gatchalian.

“Paano nangyari ito? Pagkatapos ng raid, dapat binawi na ang mga ID upang matiyak na hindi magagamit ng mga dayuhang kriminal ang mga ID bilang isang uri ng pagkakakilanlan upang gawing lehitimo ang kanilang pananatili sa bansa kung saan patuloy silang nagsasagawa ng mga iligal na aktibidad. Ang mga ID na ito ay kinabibilangan lamang ng ilang mga indibidwal na ni-raid noong panahong iyon, ngunit hindi natin alam kung ilan pa sa kanila ang nagdadala ng mga ID na ito, gumagala sa buong bansa, at ipinapakita ang mga ito bilang mga valid ID,” diin niya.

Mahigpit na nagsusulong si Gatchalian, ang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means, ng pagpapatalsik sa mga POGO sa bansa lalo na’t lumalabas na mas malaki ang gastos ng gobyerno sa patuloy nilang pananatili sa bansa kaysa sa anumang benepisyong pang-ekonomiya na nakukuha mula sa industriya. Ernie Reyes

The post ACR ng dayuhan na sangkot sa POGO-crimes, pinababawi ni Win first appeared on Remate Online.

Bus augmentation schedule inanunsyo ng PNR

$
0
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) ang iskedyul ng augmentation ng bus para sa rutang Alabang-Tutuban na may isang oras na pagitan para sa Marso 28, 30, at 31, 2024.

Ang unang biyahe ng bus ay aalis ng Alabang ng 5:30 ng umaga habang ang unang bus mula sa Tutuban ay aalis ng 7 ng umaga.

Ang huling biyahe sa Alabang-Tutuban ay alas-7 ng gabi habang ang huling biyahe ng Tutuban-Alabang ay aalis ng alas-9 ng gabi.

Walang mga naka-iskedyul na biyahe sa bus sa Biyernes Santo, Marso 29, 2024.

Magpapatuloy ang mga biyahe sa Marso 31, 2024.

Samantala, simula Abril 1, 2024, magkakaroon ng 30 minutong agwat sa pagitan ng mga biyahe. RNT

The post Bus augmentation schedule inanunsyo ng PNR first appeared on Remate Online.

Alamin: Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 hotlines

$
0
0

MANILA, Philippines – Nagbigay-abiso ang Department of Transportation (DOTr) at ang mga attached agencies nito ng listahan ng mga numero ng telepono o hotline number na maaaring tawagan ng publiko para humingi ng tulong habang bumibiyahe sa mga probinsya tuwing Semana Santa.

Ang post, na bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024,” ay naglalayong itaas ang kamalayan sa pagkakaroon ng mga serbisyo upang matiyak ang kaligtasan sa panahon ng #SemanaSanta2024.

Bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga manlalakbay sa mga terminal ng bus, daungan, paliparan, at istasyon ng tren, ang DOTr at ang mga kalakip nitong ahensya ay nasa heightened alert mula Marso 23 hanggang Marso 31, 2024.

Ito ang mga numero ng mga ahensya:

RNT

 

The post Alamin: Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 hotlines first appeared on Remate Online.

700 pamilya apektado ng sunog sa Muntinlupa

$
0
0

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa na umabot sa 700 pamilya ang naapektuhan sa sunog na sumiklab sa Barangay Alabang Linggo ng umaga, Marso 17.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, sa inisyal na report na kanyang tinanggap mula sa Muntinlupa City Bureau of Fire Protection (BFP) fire marshal F/Supt. Rowena Gollod, nagsimula ang sunog dakong alas 4:48 ng umaga sa compound na nasasakupan ng mga pamilya ng Mariategue at Joaquin sa Barangay Wawa, Alabang.

Umabot ng limang oras ang itinagal ng sunog dahil sa malakas na hangin at makikitid na daan kung kaya’t nahirapan ang mga bumbero na pumasok sa mga nasusunog na kabahayan na gawa lamang sa light materials.

May mga ilang residente ang naiulat na nagtamo ng minor injuries sa naganap na sunog na idineklarang fire out dakong alas 9:42 ng umaga habang ang halaga naman ng napinsalang ari-arian ay umabot din ng P700,000 samantalang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP upang alamin ang naging sanhi ng sunog.

Ang mga naapektuhang pamilya ng sunog ay pansamantalang nanunuluyan sa dalawang evacuation sites na kinabiiblangan ng Alabang Elementary School at Pedro E. Diaz High School.

Ipinag-utos naman ni Biazon sa City Social Services Department ang pamamahagi ng pagkain at pagkakalooob ng iba pang pangunahing pangangailangan ng mga nasunugang pamilya.

Kasabay nito ay sinabi din ni Biazon na sa kabila ng paggamit ng dalawang eskwelahan bilang evacuation sites at tuloy pa rin ang pagsasagawa ng klase dahil ayon sa Muntinlupa Schools Division Office, hindi apektado ang operasyon nito sa mga nabanggit na paaralan. (James I. Catapusan)

The post 700 pamilya apektado ng sunog sa Muntinlupa first appeared on Remate Online.

Human rights violations sa Pinas bumaba sa kalahati sa 2023 

$
0
0

MANILA, Philippines – BUMABA sa kalahati ang insidente ng paglabag sa karapatang-pantao sa Pilipinas noong nakaraang taon, kumpara sa taong 2022.

Hindi naman nagbigay pa ng detalye si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ukol sa bagay na ito sa kanyang naging talumpati sa isinagawang oath-taking ceremony ng star-rank officials ng Philippine National Police sa Palasyo ng Malakanyang subalit iginiit ng Punong Ehekutibo na ang “significant drop” sa human rights violations ay patunay na nakikita ng administrasyon ang “rule of law” bilang “indispensable” sa pagtataguyod sa kawalan ng katarungan.

“It proves that rules that strengthen the fabric of our democracy–rules that our heroes had died for, rules that enshrined in our Constitution, are not inconveniences in policing but are in fact integral and indispensable in serving up justice,” ayon sa Pangulo.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo sa kanyang talumpati na naibaba ng gobyerno ng Pilipinas ang bilang ng index crimes mula 107,899 noong 2017 sa 38,436 noong 2023.

“In the past year, we reached 98 percent crime clearance efficiency. And we have sustained this continuing crusade in the first two months of 2024. Compared to January to February of last year, there were fewer cases of theft, of robbery, carnapping, rape, and physical injury,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

“And we have done it without resorting to legal shortcuts or short-circuiting the process or acts that subvert the rule of law,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, nakasaad sa 2024 World Report ng Human Rights Watch na ang “human rights situation in the Philippines remains dire amid extrajudicial killings, attacks against political activists and journalists, and abuses committed during the armed conflict with the 54-year-old communist insurgency.”

Sinabi pa ng HRW na habang ang pagpatay sa ilalim ng bloody drug war ng gobyerno ay bumaba mula nang maupo si Pangulong Marcos sa puwesto, nagpapatuloy naman itong bumababa sa ngayon.

“As of November 15, 471 people have been killed in drug-related violence under Marcos, perpetrated both by law enforcers and unidentified assailants. Most of these cases, as with the previous ones, remain uninvestigated,” ayon sa HRW.

Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga PNP generals na patuloy lamang na manatiling tapat sa kanilang tungkulin sa pagsisilbi sa mga mamamayan.

Tiniyak din niya sa mga ito na palalakasin ang kakayahan ng PNP at ang kapakanan ng mga tauhan ng PNP.

Ang hirit pa ng Pangulo sa mga ito ay “leverage on technology” sa paglaban sa cybercrimes, “where the emerging and evolving digital landscape faces threats that can undo its potential contribution to national growth.”

“All breaches in our digital correspondences and transactions are inimical to the people’s welfare and national interest. We cannot allow electronic pickpocketing and all forms of robberies which are the digital equivalent of bag snatching,” ayon sa Chief Executive.

“Cybercriminals also prey on the innocence of our young, by stealing their dignity, and the vulnerabilities of our seniors, who are defrauded of their life savings. On a larger scale, they rob business firms, raiding their vaults, without breaking them down.” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Tinuran pa ng Pangulo na pinalalakas ng gobyerno ang anti-cybercrime efforts nito mula sa detection at pagtugon sa mga case build-up at resolution.

Ipagpapatuloy naman ng pamahalaan ang pagsasanay sa mga PNP personnel sa paglaban sa cybercrime at palakasin ang cybersecurity capabilities ng mga ito. Kris Jose

The post Human rights violations sa Pinas bumaba sa kalahati sa 2023  first appeared on Remate Online.

Pinay sugatan sa stabbing spree sa New York; 3 pang biktima, mga Asian

$
0
0

NEW YORK CITY — Kinumpirma sa isang ulat na kasama ang isang Pinay sa apat na indibidwal na sugatan matapos na manaksak ang isang lalaki na may diumano’y problema sa isip ay nitong weekend.

Kinilala ang Pinay na si Bel Molina, 46 taong gulang, mula sa Leyte.

Kasalukuyang nagpapagaling si Molina matapos magtamo ng saksak na nangangailangan ng tatlong tahi para magamot.

Nagjo-jogging umano pauwi ang Pinay mula sa subway station sa 54th Street nang makasalubong niya ang suspek na naka-wheelchair.

Sa una ay inakala ng biktima na normal lang ang sitwasyon kaya patuloy ang kanyang pagtakbo patungo sa direksyon ng suspek, hanggang sa malapit na siya ay napansin niyang may hawak itong kutsilyo.

Sa kabila ng pagtatangkang tumakas, nasugatan pa rin siya sa braso malapit sa siko.

Bukod kay Molina, tatlo pa ang nabiktima ng pananaksak ng suspek. Isang 69-anyos na babae ang nagtamo ng saksak sa mukha at katawan, habang isang 57-anyos na lalaki naman ang nagtamo ng saksak sa likod.

Kinilala naman ang suspek na  si Kareem Philips, 38 taong gulang, ay agad na inaresto at kasalukuyang nasa kustodiya ng New York Police Department.

Si Philips ay nahaharap sa mga kaso ng dalawang bilang ng tangkang pagpatay, apat na bilang ng pag-atake, at pagkakaroon ng kriminal na armas.

Hindi pa malinaw kung insidente ng hate crime ang nangyari dahil ang lahat ng biktima ay pawang Asian. RNT

The post Pinay sugatan sa stabbing spree sa New York; 3 pang biktima, mga Asian first appeared on Remate Online.

Truck driver sinaksak ng nakaalitang e-trike driver

$
0
0

MANILA, Philippines – NASA malubhang kalagayan ang isang truck driver matapos saksakin ng nakaalitang e-trike driver sa kalsada sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kanang braso at ibabang bahagi ng kanang dibdib ang biktimang si alyas “Jojo’, 33 ng Parola Compound, Area B Gate 13, Tondo Manila.

Pinaghahanap naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 ang suspek na si alyas “Maui”, 31 ng Concepcion St., Brgy. Tugatog.

Sa imbestigasyon nina PSSg Bengie Nalogoc at PSSg Michael Oben, dakong alas-9:50 ng gabi, minamaneho ng biktima ang isang Fuso Truck sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Brgy. Tugatog nang businahan niya ang suspek na nagmamaneho ng E-trike at binabagtas din ang nasabing lugar para maiwasan ang posibleng banggaan.

Nagalit ang suspek at nauwi ang mga ito sa komprontasyon kung kaya bumaba ang biktima sa kanyang saksakyan subalit, nang pabalik na si ‘Jojo’ sa truck ay bumunot ng patalim si ‘Maui’saka sinaksak siya sa braso at dibdib.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan ng nagmalasakit na E-trike driver. Rene Manahan

The post Truck driver sinaksak ng nakaalitang e-trike driver first appeared on Remate Online.


Legalisasyon ng medical marijuana, hinihimay na sa plenaryo ng Senado

$
0
0

MANILA, Philippines – Tuluyan nang nakalusot sa deliberasyon sa plenaryo ng Senado ang panukalang gawing legal ang medical marijuana sa bansa sa ilalim ng Senate Bill 2573 o ang proposed Cannabis Medicalization Act of the Philippines.

Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Senador Robin Padilla na napapanahon nang gawing legal ang medical cannabis bilang tugon sa hinaing ng ilang magulang at pasyente na magamot ang kanilang sakit.

“Binibigyang-linaw po natin na ang medical cannabis ay complementary treatment na isasabay sa mga gamot na sadyang ginagamit na ng isang pasyente,” ayon kay Padilla.

“Ang inihahain pong batas ng inyong lingkod ay hango sa pag-aaral, pagsasaliksik, testimonya ng mga doktor at eksperto mula sa iba’t ibang panig ng daigdig na may sapat na kaalaman at best practices sa pagpapatupad nito,” giit ni Padilla.

Papayagan sa panukala ang paggamit ng cannabis o marijuana para sa pangangailangang medikal upang gamutin ang kuwalipikadong pasyente sa kanyang kondisyong medikal o sintomas.

“The medicalization of cannabis will include its acquisition, possession, transportation, delivery, dispensing, administration, cultivation, or manufacturing by private individuals or entities only for medical and research purposes,” ayon sa panukala.

Nakatakda sa panukala ang paglikha ng Philippine Medical Cannabis Authority (PMCA) sa ilalim ng Department of Health, na magsisilbing principal regulatory agency sa pagbili at paggamit ng medical cannabis at implementasyon ng panukala.

“The PMCA will be mandated to formulate and adopt a Comprehensive Cannabis Medicalization Plan; formulate rules and regulations related to the propagation, cultivation, planting, harvesting, processing, manufacturing, packaging, labeling, distribution, dispensing, and patient licenses and prescription; establish and maintain an information system to track cannabis growth from seed to sale for monitoring and regulation purposes; and formulate and implement standard operating procedures for every stage of producing medical cannabis, among others,” ayon sa panukala.

Nakatakda din sa panukala ang isang probisyon na nagsasabing: “A Medical Cannabis Advisory Committee will also be constituted to assist and provide directions in the formulation, implementation and assessment of policies, guidelines, and regulations under the proposed measure.”

“Patients considered qualified for the use of medical cannabis are those who are diagnosed by a certifying physician as having a debilitating medical condition and may receive therapeutic or palliative benefits from the use of medical cannabis,” ayon sa panukala.

Nakatakda din sa panukala ang isang probisyon na nagbibigay ng validity sa reseta ng pasyente, kadahilanan sa pagkansela nito, pagtatanim, produksiyon at pagmamanupaktura ng cannabis, pagsusuri nito at, exemption laban sa civil at criminal liability, prohibited acts, at penalties sa paglabag ng naturang panukala.

Lilikhain din ng panukala ang joint congressional oversight committee upan magsagawa ng regular review sa implementasyon ng batas.

Limitado ang listahan ng medical cannabis products na gagawin legal tulad ng edibles, pills, oil, tincture, flower, topicals, at inhalers.

“Strict regulations will also govern the importation of such products.”

Magkakaroon din ng electronic monitoring system sa pagtatanim ng marijuana. Ernie Reyes

The post Legalisasyon ng medical marijuana, hinihimay na sa plenaryo ng Senado first appeared on Remate Online.

Richard Clarin buhos ang suporta sa cycling

$
0
0

BUMISITA kamakailan ang 1Team Iloilo Cycling squad kabilang ang mga grassrooots level champion na sina Angela “Dayday” Bermejo, Hyarmel “Nonoy” Harder, coach Lorena Blanco, Francis Ray Espinos, Alfred Cagollo at Eliezer Matienzo sa opisina ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Atty. Richard S. Clarin sa Makati City.

Tinalakay ng 1team Iloilo kay Clarin ang ilang mahahalagang bagay sa grassroots cycling.

“Due to the lack of support, 1Team Iloilo aims to bridge the gap by conducting cycling seminars, trainings, meaningful promotional activities, and informative programs with their fellow constituents in Iloilo and the rest of the country,” ayon sa pahayag ng GAB.

“Being a motorist himself, the GAB Chairman shared his great love and support for the cycling community. As part of the GAB Chairman’s 3xPRO advocacy to promote, professionalize, and protect Philippine sports, Atty. Clarin supports 1Team Iloilo in this shared endeavour and is more than willing to lend a helping hand in promoting the sport and discovering future cyclists that would later on become professional athletes and take the country centerstage in international cycling events.”

The post Richard Clarin buhos ang suporta sa cycling first appeared on Remate Online.

Kai nagpasikat muli vs Grousers

$
0
0

MANILA, Philippines – Panibagong laro, panibagong double-double na performance na naman ni Kai Sotto.

Mula sa dalawang linggong pahinga sa Japan B. League, hindi nagpakita si Sotto ng mga palatandaan ng paghina sa kanyang pagbabalik sa aksyon nang itala niya ang kanyang karaniwang monster stat line upang tulungan ang Yokohama B-Corsairs na talunin ang Toyama Grouses, 84-69, noong Miyerkules.

Ipinakita ni Sotto ang kanyang lakas laban sa isang mabigat na frontline ng Toyama na binabandera ng mga dating import ng PBA na sina Johnathan Williams at Quincy Miller nang magtapos siya ng 16 puntos sa 7-of-11 shooting at bagong B. League career-high na 14 rebounds.

Nagtala rin ang Gilas Pilipinas big man ng 2 assists, 2 blocks, at isang team-best +/- ng +25 sa malapit sa 27 minutong paglalaro.

Ang 16-point at 14-rebound na output ni Sotto ay minarkahan ang kanyang ikatlong sunod na double-double na pagpapakita at ang kanyang panglima sa nakalipas na anim na laro.

Sinasabing ang 7-foot-3 na si Sotto ay nasa pinakamagandang porma ng kanyang batang propesyonal na karera, ang B-Corsairs ay nanalo na ngayon ng lima sa kanilang huling pitong laban, kabilang ang tatlo sa magkasunod, para sa 20-23 record.

Nanguna sa Yokohama si Japanese national team point guard Yuki Kawamura na may 21 puntos at 10 assists, habang nag-post din ng sariling double-doubles sina Jarrod Uthoff (17 puntos, 13 rebounds) at Devin Oliver (11 puntos, 16 rebounds).

Si Miller, na dating naglaro sa Converge FiberXers at TNT Tropang Giga, ay umiskor ng game-high na 24 puntos, habang si Williams, ang reigning PBA Commissioner’s Cup Best Import mula sa Phoenix Fuel Masters, ay nakakuha ng 16 markers at 10 boards sa pagkawala.

Naglalaro ang Toyama (4-39) na wala ang 6-foot-10 Filipino import na si AJ Edu habang nagpapagaling pa siya mula sa torn meniscus injury na natamo niya sa unang bahagi ng season.

The post Kai nagpasikat muli vs Grousers first appeared on Remate Online.

Justin Brownlee pumirma na sa Pelita Jaya ball club ng Indonesia

$
0
0

Bagong tahanan ni Justin Brownlee ang Pelita Jaya Basketball Club matapos na opisyal na ipahayag ng Indonesia team ang pagpirma sa naturalized player ng Gilas Pilipinas at import ng residente ng Barangay Ginebra.

Napost sa social media account ng koponan ang pagdating ni Brownlee at ang media day ng koponan noong Miyerkules.

Opisyal na sumali si Brownlee sa Jakarta-based ballclub, isang tatlong beses na kampeon ng Indonesian league, na may basbas ng Ginebra management dahil ang koponan ay nasa kalagitnaan pa rin ng kanilang kampanya sa PBA Philippine Cup.

Sumali si Brownlee sa isang koponan ng Pelita Jaya na nasa ikalimang puwesto sa elimination round ng Indonesia Basketball League.

Nagkataon, ang ballclub ni Brownlee ay hindi bago sa pagkuha ng mga manlalaro na may link sa Pilipinas.

Minsan nang nakuha ni Pelita Jaya ang serbisyo ni Filipino coach Nat Canson at naging isa si Bong Ramos sa kanilang mga manlalaro.

Hindi rin bago sa paglalaro sa Indonesia ang mga import ng PBA, isa rito ang pitong beses na PBA Best Import na si Bobby Parks, na naglaro para sa Aspac Jakarta noong kalagitnaan ng 1990s.

Sinasamantala rin ni Brownlee ang stint sa IBL para ihanda ang sarili para sa stint ng Gilas Pilipinas sa Fiba Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo.

Nakapila si Brownlee para gawin ang kanyang debut sa Indonesia sa Sabado kung saan makakaharap nito si Rans Simba.JC

The post Justin Brownlee pumirma na sa Pelita Jaya ball club ng Indonesia first appeared on Remate Online.

PH host ng men’s volleyball world championship sa 2025

$
0
0

Maghohost ang Pilipinas ng men’s volleyball World Championship sa unang pagkakataon sa 2025, ayon sa ruling bodies ng isport noong Miyerkules, habang ang kaganapan ay babalik sa Asya pagkatapos ng 19-taong pagkawala.

Napili ang Pilipinas sa mga karibal na bid mula sa Indonesia at Japan.

“Ang desisyong ito ay binibigyang-diin ang aming dedikasyon sa pagpapalawak ng pandaigdigang footprint ng volleyball at pakikipag-ugnayan sa mga tagahanga sa buong mundo,” sabi ni Finn Taylor, CEO ng Volleyball World.

“Ang Pilipinas, na may napatunayang track record nito sa pagho-host ng mga pangunahing kaganapan sa volleyball at madamdaming fanbase, ay mahusay na nakaposisyon upang maghatid ng isang pambihirang kampeonato na magpapakita ng pinakamahusay sa isport.”

Magaganap ang kaganapan sa Asya sa unang pagkakataon mula nang i-host ito ng Japan noong 2006.

Maglalaban-laban ang nangungunang 32 koponan sa mundo sa pagitan ng Set. 12-28 habang nag-bid ang Italy na matagumpay na ipagtanggol ang titulong napanalunan nila noong 2022.

The post PH host ng men’s volleyball world championship sa 2025 first appeared on Remate Online.

PBBM hinimok na humawak sa operasyon ng NFA

$
0
0

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ng isang mambabatas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-take over ang operasyon ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng alegasyon ng maanomalyang pagbebenta ng rice buffer stocks ng ahensya.

Nauna rito,  sinabi ng Department of Agriculture (DA) na 79 na bodega na pinangangasiwaan ng NFA ang nananatiling naka-padlock bunsod na rin ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa di umano’y irregular na pagbebenta ng bigas sa mga piling mangangalakal.

Tinukoy ni Rep. Wilbert T. Lee ng AGRI party-list ang pangangailangan para sa Pangulo na i-take over ang operasyon ng NFA para mapabilis ang paglilinis sa mga tiwaling opisyal ng ahensiya.

Aniya pa, ang mga walang prinsipyong mga negosyante na kasabwat ng mga kurakot na opisyal ng NFA ay dapat din na usigin at ipasakdal.

Binigyang diin ni Lee ang kahalagahan ng mabilis na resolusyon sa bagay na ito para maprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka at kapakanan ng mga empleyado ng NFA na sinuspinde subalit malinaw na inosente sa kahit na anumang maling gawa.

Dahil dito, naghain si Lee ng House Resolution 1625 na naglalayo tukuyin ang anumang gaps o loopholes sa umiiral na polisiya ng NFA at idetermina kung anong batas ang kailangan para tiyakin ang “optimal utilization of goods at  proper disposal methods” ng ahensiya.

Samantala, sinabi ng DA  na may 20 warehouses ang nakatakdang buksan kasunod ng naging hakbang na bawiin ang suspension order ng Ombudsman para sa mahigit na 20 NFA personnel.

Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na ang mga nakakandado na bodega ay matatagpuan sa Cagayan Valley, Western Visayas, at National Capital Region (NCR).

Sinabi naman ni Ombudsman Samuel Martires na ang suspension order laban sa 23 NFA listahan na ibinigay ng DA na dapat ay kukunin mula sa NFA.

Nauna nang ipinag-utos ng Ombudsman ang 90-day preventive suspension laban sa 139 mga opisyal at empleyado ng NFA kabilang na si administrator Roderico Bioco at assistant administrator for operations John Robert Hermano dahil sa nabanggit na kontrobersiya.

Ang suspensiyon ay naging epektibo noong Marso 4. Kris Jose

The post PBBM hinimok na humawak sa operasyon ng NFA first appeared on Remate Online.

PBBM, First Lady may trangkaso pa rin

$
0
0

MANILA, Philippines – PATULOY na nakararanas ng flu-like symptoms o trangkaso ang First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta- Marcos.

Subalit, nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) na may pagbuti naman sa kanilang kalagayan at nanantiling stable ang kanilang vital signs.

Pinayuhan ang mga ito na ipagpatuloy lamang ang pag-inom ng gamot, pahinga at hydration para ganap na gumaling.

Tiniyak ng PCO na, “the President continues to work in his residence, handling correspondence and directives within medical advice. He anticipates resuming full public engagements soon, per his physician’s clearance.”

Sa kabilang dako, dahil sa trangkaso, hindi makakadalo si Pangulong Marcos Jr. sa ika-127 Philippine Army founding anniversary, bukas, araw ng Biyernes, Marso 22.

Ang abiso ay nanggaling mula sa Presidential Communications Office (PCO) matapos na ihayag ni PCO Secretary Cheloy Garafil, Miyerkules ng gabi na tinamaan ng trangkaso sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos.

Ang founding anniversary celebration ay gaganapin sa Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, ang lahat ng events ng Pangulo ay kanselado.

Nauna rito, sinabi ng PCO na si Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza ay uminom ng tubig, gamot at nagpapahinga para mapagaan ang kanilang sintomas. Kris Jose

The post PBBM, First Lady may trangkaso pa rin first appeared on Remate Online.


Contracts of service sakop sa one year appointment ban sa mga natalong kandidato sa eleksyon

$
0
0

MANILA, Philippines – Dapat ipatupad sa lahat ng natalong kandidato sa eleksyon ang pagbabawal na maitalaga sa anumang government position sa loob ng isang taon mula nang maganap ang eleksyon kahit saan pa man lugar o kahit anong posisyon.

Sa desisyon na pinonente ni Associate Justice Jose Midas P. Marquez, ibinasura ng Supreme Court En Banc ang petition for certiorari ni Raul F. Macalino kaugnay sa hindi pagpayag ng Commission on Audit (COA) na bayaran siya ng kanyang sahod at allowances bilang Legal Officer II ng Municipal Government ng Mexico, Pampanga.

Sa rekord ng kaso, tumakbo at natalo si Macalino bilang vice mayor ng San Fernando City, Pampanga noong May 2013 elections.

July 1, 2013 nabigyan ito ng contract of service sa Municipal Government ng Mexico, Pampanga sa pamamagitan ng noo’y Mayor Roy D. Manalastas.

Sa ilalim ng contract of service, ang katungkulan ni Macalino ay bilang Legal Officer II mula June 1, 2013 hanggang July 30, 2014.

Taon 2014, naglabas ng Notice of Disallowance ang COA at ipinasasauli sa gobyerno ang sahod at Personal Economic Relief Assistance ni Macalino na aabot sa ₱149,015.

Ayon sa COA, paglabag ito sa constitutional prohibition at sa Local Government Code (LGC).

Sinabi ng Korte Suprema na malinaw ang nakalagay sa Article IX-B, Section 6 ng Constitution na ang mga natalo sa eleksyon ay hindi maaaring maitalaga sa anumang posisyon sa loob ng isang taon.

”Such prohibition is a recognition of political will— it means that the people rejected the losing candidate and did not want him or her to occupy a public office. Thus, the electorate’s volition will be flouted if a candidate is immediately appointed to an office in the government after losing an election bid.”

Sinabi ng Korte na hindi rin tama ang argumento ni Macalino na hindi sakop ng prohibition ang contracts of service.

“Both the Constitution and the LGC explicitly use the phrase any office in the Government or any [GOCCs] or in any of their subsidiaries.” Teresa Tavares

The post Contracts of service sakop sa one year appointment ban sa mga natalong kandidato sa eleksyon first appeared on Remate Online.

Nag-apruba sa Chocolate Hills resort, tserman lang – DILG

$
0
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na isang barangay captain lamang ang nagsilbing chairperson ng Protected Area Management Board (PAMB) ang naglabas ng resolusyon na nagpapahintulot sa isang resort sa Chocolate Hills.

Sa isang press conference sa kanyang pagbisita sa Captain’s Peak Resort, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na wala ang chairman mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga paglilitis.

“Noong nakita ko itong resolution na ginawa, kung hindi ako nagkakamali, wala yung chairman ng DENR. Ang nag-chair ay isang barangay captain. Kaya naipasa itong tungkol sa Captain’s Peak,” ani Abalos.

Ayon kay Abalos, kasama sa organizational structure ng PAMB ang isang pinuno mula sa DENR, isang gobernador, tatlong kinatawan ng distrito, 65 barangay kapitan, at iba pang kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya.

Dahil dito, sinabi ni Abalos na titipunin niya ang PAMB sa mga rehiyon para “ma-capacitate” ang mga ito sa tulong ng DENR.

Samantala, sinabi ni Abalos na inililista na ngayon ng DILG ang iba pang protektadong lugar sa bansa upang suriin kung may mga iligal na istruktura din ang itinayo sa mga lugar na ito.

Gumawa ang DILG ng task force para tingnan ang posibleng pananagutan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pagtatayo ng Captain’s Peak Resort sa loob ng protected area ng Chocolate Hills.

Sinabi ng DENR na iniutos nito ang pansamantalang pagsasara ng resort noong Setyembre 2023 at isang Notice of Violation sa project proponent noong Enero 2024 dahil sa operasyon nang walang environmental clearance certificate (ECC).

Noong Marso 13, inanunsyo ng resort ang pansamantalang pagsasara nito sa gitna ng flak sa social media at napipintong aksyon ng gobyerno tungkol sa mga operasyon nito. Santi Celario

The post Nag-apruba sa Chocolate Hills resort, tserman lang – DILG first appeared on Remate Online.

VP Sara tikom-bibig sa Duterte-Duterte tandem sa 2028

$
0
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi niya pinag-uusapan ang pulitika sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin niya ito nang tanungin tungkol sa isang “Duterte-Duterte” tandem na sinasabing pinalaki ni dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo.

“Hindi kami nag-uusap ng politika kapag nagkakasama kami. Laging iyong mga concerns ng kanya-kanyang pamilya ang napag-uusapan,” aniya sa isang ambush interview sa Cambodia.

“Hindi ko alam kung marami silang pag-uusap. Kasi wala naman ako doon, hindi ko narinig. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusap ni Atty. Panelo at ni former Pres. Duterte,” aniya pa. RNT

The post VP Sara tikom-bibig sa Duterte-Duterte tandem sa 2028 first appeared on Remate Online.

Sunog sa Tondo umabot sa ikalimang alarma!

$
0
0

MANILA, Philippines – Umabot sa ikalimang alarma ang sunog sa residential area sa Tondo, Maynila Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog 12:30 sa mga kabahayan sa Aroma St., Tondo.

Makalipas ng isang oras, idineklara ang ikalimang alarma dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa mga bahay na pawang mga gawa sa light materials.

Karamihan kasi sa mga bahay na nilamon ng apoy ay mga barung-barong.

Samantala, may iniulat ding fire truck na nabasag ang windshield matapos basagin umano ng ilang mga residente na di umano’y naging agresibo dahil sa kagustohang unahin ng mga fire volunteers ang kanilang mga bahay na madamay ng sunog.

May mga sinasabi ding mga insidente ng pananaksak at pagpapaputok ng baril ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng BFP.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

The post Sunog sa Tondo umabot sa ikalimang alarma! first appeared on Remate Online.

Motoristang nanaksak ng gulong ng van pinaghahanap ng LTO

$
0
0

MANILA, Philippines – Inisyuhan ng show-cause order ng Land Transportation Office (LTO) nitong Huwebes ang motor rider dahil sa pananaksak sa gulong ng delivery van sa isang road rage incident na nakunan ng video na nag-viral online.

Ayon sa LTO, nakilala ang rehistradong may-ari ng motorsiklo sa pamamagitan ng plaka ng sasakyan na nakita sa video.

Makikita sa footage ang pagmamaneho ng rider sa gilid ng delivery van habang huminto sa traffic light sa East Avenue sa Quezon City. Nakipagtalo ang rider sa mga sakay ng van sa tila pagtatalo. Ang rider pagkatapos ay sinaksak ang harap na kanang gulong ng van gamit ang isang matulis na bagay bago mabilis na nagmaneho.

Makikita sa video na unti-unting nawawalan ng hangin ang gulong.

Binigyan ng hanggang Marso 25 ang may-ari ng motor rider para humarap sa LTO Central Office sa Quezon City upang matukoy kung siya ang rider sa video at upang ipaliwanag ang kanyang mga aksyon.

“Due to the gravity/severity of the acts of the rider, please be informed that the motorcycle with plate number (x x x ) will be temporarily placed under alarm preventing any and all transactions while the case is under investigation,” saad sa SCO.

Samantala, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Sinabi ni Vigor Mendoza II na ang kamakailang insidente ay dapat magsilbing paalala sa lahat ng mga motorista na huwag makisangkot sa karahasan na bunga ng road rage.

“Marami na tayong naparusahan dahil sa road rage at muli ay pinapaalalahanan natin ang ating mga kababayan na motorista na iwasan ito dahil malalagay din kayo sa alanganin,” ani Mendoza.

Samantala, inatasan ni Police Major Mike Diaz , deputy chief ng Quezon City Police District Station 10, ang kanyang mga tauhan na hanapin ang rider.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na ang dalawang motorista ay nagkaroon ng alitan sa trapiko bago ang insidente.

Sinabi ni Diaz na ang rider ay maaaring kasuhan ng malicious mischief ng driver ng van ang motor rider. Santi Celario 

The post Motoristang nanaksak ng gulong ng van pinaghahanap ng LTO first appeared on Remate Online.

Viewing all 58476 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>