Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58386

Chinese nat’l, 2 pa huli sa P15M shabu

$
0
0

TATLO ang naaresto kabilang ang isang Chinese national sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police-Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kahapon ng madaling-araw sa Maynila.

Kinilala ang mga nahuling sina Shuiquiao Cai, alyas Wilson, ng Pasay City; Ali Makalanga Samsamin, alyas Alex, taga-Taguig City; at Nasrullah Budi Ulimpin, tubong Cotabato.

Ayon kay P/Supt. Arnold Ibay, officer-in-charge ng CIDG in the National Capital Region, alas-2:00 ng madaling-araw nang ikasa ang operasyon sa gasoline station sa Quirino Ave. malapit sa Osmeña Highway sa Paco, Maynila.

Nagsilbing poseur buyer ang isang miyembro ng CIDG at bibili ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P800,000 sa mga suspek.

Una umanong lumapit si Alex sa poseur buyer na nasa isang itim na sasakyan na nakaparada sa gasolinahan bago lumipat sa isa pang sasakyan kung saan doon isasagawa ang transaksyon.

Sa puntong iniaabot ang epektos ay agad na inaresto ang suspek.

Nakumpiska ang apat na kilong shabu na may halagang P15-milyon sa mga suspek na matagal na umanong isinailalim sa survellaince.

Samantala, maglulunsad naman si Manila Mayor Joseph Estreada ng Anti-Drugs summits sa iba’t ibang lokasyon sa Maynila upang hikayatin ang lahat ng mamamayan, sektor, organisasyon, institusyon at mga barangay na makiisa sa kampanya laban sa droga.

Inaasahang magiging ka-partner ng Manila LGU sa Anti-Drugs summits ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Walang humpay ang ating anti-drug campaign. At hindi tayo titigil hanggang sa maalis natin ang impluwensya ng droga sa ating mga barangay. Sinisira nito hindi lang ang ating komunidad pati na rin ang bawat pamilya at mga kabataan,” pagbibigay-diin ni Mayor Estrada. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58386

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KATIPAN


MAALIWALAS


KANTUTAN


BEMBANG


WAKAWAK


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


PAGBABATA


PANGIMBULUHAN


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>