SINUNGKIT ng dumayong Portland Trail Blazers ang three-game winning streak matapos kaldagin ang New York Knicks, 104-85, sa 2015-16 National Basketball Association (NBA) regular season.
Tumikada si Damian Lillard ng 30 points habang may inambag si CJ McCollum na 25 puntos upang itarak din ng Trail Blazers ang six-game road victory.
Naabot ni Lillard ang 30-point mark nang walong beses sa siyam na laro kaya naman napaganda ng Portland ang kanilang karta sa 33-28 at upuan ang pang-anim na puwesto sa Western Conference.
Tinarak din ng Blazers ang pang-18 panalo sa huling 22 na laro.
Kumana rin sina Leonard Meyers at Ed Davis ng 11 at nine markers ayon sa pagkakasunod.
Bumanat naman si star player Carmelo Anthony ng 23 pts. at 10 rebounds pero hindi ito sumapat para buhatin sa panalo ang New York na nalaglag sa 25-37 baraha.
Bumakas si Arron Afflalo ng 13 puntos habang may tig-11 pts. sina Kristaps Porzingis at Kyle O’Quinn.
Samantala, nilitson ng Miami Heat ang Chicago Bulls, 129-111, habang kinatay ng Charlotte Hornets ang Phoenix Suns, 126-92. ELECH DAWA