PINASALAMATAN nina Sen. Grace Poe at Chiz Escuder ang pag-endorso ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa kanilang kandidatura, ngunit nilinaw nilang mananatiling independent ang kanilang grupo para sa darating na halalan.
Ayon kay Poe, malaking tulong para sa kanila ang naging endorsement ng NPC.
“I thank the Nationalist People’s Coalition for its endorsement, and vow to do my best to be a leader worthy of its trust. May kakaibang saya at sigla ang endorsement ng NPC. Nakakataba ng puso na mapahanay ako sa iilang kandidato sa pagka-pangulo na kanilang binigyan ng suporta,” ani Poe.
Una rito, sinabi ni NPC president at Deputy Speaker Giorgidi Aggabao na sa kanilang endorsement ay maari nang magamit ng tambalang Poe-Escudero ang machinery ng partido.
Pero para sa tagapagsalita ng tambalang Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas at Rep. Leni Robredo na si Rep. Barry Gutierrez, hindi raw buo ang NPC para sumuporta sa tambalang Poe-Chiz dahil nagkawatak-watak ang partido.
“I’ve talked to some of Mar’s supporters from NPC, and they say they had absolutely no knowledge of this “endorsement.” Apparently, there’s some confusion within their ranks,” ani Gutierrez.
Sinasabing ilang NPC members din ang sumusuporta kay Binay na taliwas din sa anunsiya ng liderato ng partido.
“Sa NPC din may mga kaibigan, malalim na kaibigan at kasama si VP Binay noong siya ay naging mayor ng Makati. Hindi naman masasabi na solid ang buong NPC kahit na may endorso kay Sen. Grace Poe at Chiz Escudero,” pahayag naman ni Mon Ilagan, UNA spokesperson at isa ring miyembro ng NPC.
Ang kampo naman ni Davao City Mayor Rudy Duterte ay ipinagmamalaki ang kanilang istilo ng pangangampanya na sa halip na ibida ang plataporma ay nakikinig sa hinaing ng mga kababayan na kabilang sa kanilang tinungo kasama ang ka-tandem na si Sen. Alan Peter Cayetano ay ang lungsod ng Baguio at hinarap ang mga vendors.
“Sobra na ang hirap at gulo sa buhay ng tao dulot ng price manipulation. Sa sistemang ito, talo ang farmers, retailers/vendors at consumers. Hindi tama ito. Panahon na para tapusin ang gulo at hirap ng tao,” ani Cayetano.
Ang isa pang kandidato sa pagkapangulo na si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay tutunguhin ang Laguna bukas para magtulumpati sa University of Perpetual Health sa Biñan.
Ang ka-tandem ni Miriam na si Sen. Bongbong Marcos ay dumalo sa Voter’s Education Forum sa Morong Rizal na kanyang ipananawagan sa mga botante na piliin ang mga kandidatong may nagawa na para sa bansa. JOHNNY ARASGA