BUMANDERA sa mga pahayagan noong isang linggo ang pangalan ng kapatid ni PNoy na si Kris Aquino. Iniulat siya, parekoy, bilang nangungunang “taxpayer” para sa taong 2011.
Ang ganda na sana ng sabwatang Kris at BIR, katunayan, sa “front page” ng isang broadsheet ay bongga ang paghanga kay Kris ni Sultan Bolkiah ng Brunei na nagkataon naman (o itinaon) na nasa Malakanyang!
Katunayan, parekoy, sa nasabing litrato ay talagang masama ang titig ni Bolkiah sa katawan ni Kristeta! Habang titig na titig naman si PNoy sa katawan ni Sultan Bolkiah! Hak, hak, hak!
Balikan natin ang buwis na ibinayad ni Kris kaya siya idineklara ng BIR na pangunahing taxpayer ng ating bansa. Mahigit 36 milyong piso, parekoy, ang ibinayad ni Kristeta mula sa kanyang mga kinita para sa taong 2011.
Kaya naman umalma ang maraming bilyonaryo at dito na nagkabistuhan na mayroon palang nagbayad ng mahigit 60 milyong piso pero ni hindi man lang nabanggit ng BIR!
Sa simpleng pag-iisip nga, parekoy, ibig sabihin ba ay mas malaki ang kinita ni Kris kaysa sa may-ari mismo ng ABS-CBN na siyang amo ni Kristeta? O ibig sabihin ba ay hindi tapat sina Lopez sa pagbabayad ng kanilang buwis?
Maliwanag na may nakatagong motibo ang pagpalathala ng BIR na si Kris ang pangunahing taxpayer ng bansa.
Posible ba na para makuha ang atensyon ng napakayaman na si Sultan Bolkiah?
He, he, he, medyo may K nga naman na patulan siya! Hak, hak!
Posible rin ba na pampataas ito sa rating ng Team PNoy para patunayan sa taumbayan na mismong ang kapatid ng Pangulong Aquino ay tapat sa pagbabayad ng buwis?
O may kaugnayan pa rin ito sa ibinulgar ni Ret. Archbishop Oscar Cruz hinggil sa plano ni Kris na kumandidatong Vice President sa 2016?
Anoman ang motibo ng BIR at ni Kris sa nasabing lathalain ay sila lamang ang nakaaalam!
Sa ngayon, parekoy, isang bagay lang ang alam ko, na noong inilabas ang nasabing ulat ay nagkataon (lang?) naman na nasa Palasyo ang napakayaman na Sultan.
Katunayan, talagang masama ang pagkakatitig ni Bolkiah sa katawan ni Kris habang naglalakad itong palayo na umiindayog ang balakang!
Malay natin, pagdating ng araw ay may maging Mrs. Kris Cojuangco Aquino-Bolkiah!
Inggit ako! Hak, hak, hak!