Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59710

EDUCATIONAL PROGRAM AT CCTV’S SA ESTABLISHMENTS

$
0
0

GINANAP na kamakailan ang isang advocacy and educational program tungkol sa nilagdaang framework agreement sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Tatlong kinatawan mula sa Office of the Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga naging tagapagsalita sa aktibidad.

Naging tampok sa programa ang open forum kung saan nalaman ang mga opinyon at nasagot ang mga tanong ng taumbayan patung-kol sa nilalaman ng kasunduan.

Dinaluhan ito ng libo-libong  mamamayan na nagmula pa sa iba’t ibang sektor sa bayan ng Kabacan.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng Kabacan Local Government Muslim Employees Association (KALGMEA) at ng lokal na pamahalaan ng Kabacan.

Ipinaliwanag din dito sa publiko nang tama at maayos ang mga bagay-bagay kaugnay sa itinatag na bagong teritoryo sa Mindanao.

-000-

Mainam naman at ipinatutupad na ng lokal na pamahalaan ng Cotabato ang City Ordinance No. 3880 o ang ordinansa na nag-uutos sa mga business establishment o negosyo sa lungsod na magkaroon ng Closed Circuit Television o CCTV cameras.

Kabilang sa mga establisimyento na sakop ng ordinansa ang mga financial institution gaya ng bangko, cash remittance center, pawnshops at iba pa.

Dumaraan na rin sa masusing inspeksyon ang lahat ng mga establisimyentong kukuha o magre-renew ng permit.

Ito ay para matiyak na gumagana at de kalidad ang mga ikinabit na CCTV camera.

Kailangan na ring maglagay ng CCTV cameras ang mga paaralan, partikular ang mga kolehiyo na may higit isang libo ang bilang ng mga estudyante.

Hindi naman bibigyan o ire-renew ang mga permit ng iba pang establisimyentong bukas ng higit sa walong oras nang walang CCTV cameras.

Ang hakbang na ito ay hindi lamang pabor sa mga negosyante kundi maging sa mga konsyumer na madalas ay walang laban sa mga masasama ang budhi.

At higit sa lahat, ang maganda rito ay dahil tiniyak na magiging madali at hindi makasasagabal ang mga karagdagang requirement sa mga negosyante na kukuha ng business permit at iba pang papeles na kailangan nila.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 59710

Trending Articles


PAGBABATA


Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


Suso ng 15-anyos nilamas ng 20-anyos


Sun Cellular expands good choices available with a Sun Group Plan 999


Pork barrel, pasok pa rin sa 2016 budget


4 drug suspect tumba sa pulis, 6 pa tiklo


Maganda Pa Ang Daigdig


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


PROSPERO COVAR: Ama ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


2 pang video sa Mamasapano clash, hawak ng DoJ


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Pinagalitan ng magulang, 15-anyos nagbigti


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Mga kasabihan at paliwanag


NUNUKAL


KANTUTAN


Pagpalit kay Mark Lapid bilang hepe ng TIEZA itinanggi



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>