Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512

SAGIPIN ANG NORTH KOREANS

$
0
0

188640_Bn75x75MARAMI agad motorcycle rider ang umangal sa bagong programa ni Quezon City Police District Director, Chief Supt. Roland Albano na magiging daan para malutas ang mga krimen na kagagawan ng riding in tandem.

Hindi ito dapat tingnan ng mga umaangal bilang paninikil ng kanilang karapatan bagkus, ito  ay  sa positibong pananaw sipatin.

At lalong hindi ito diskriminasyon na matatawag.

Una, wala tayong nakikitang masama kung magsuot man ng vest o tsaleko ang riders na may nakatatak na plaka ng kanilang motor tulad ng gustong mangyari ni General Albano.

Naniniwala tayong hindi ito perpektong solusyon sa problema sa krimen subalit kahit paano ay makatutulong.

Alam din nating  maparaan ang mga kriminal at kaya pa ring magnakaw ng motor ng iba with vest pa bago gumawa ng krimen pero kahit paano ay magiging daan ito para malimitahan ang kilos ng mga masasamang loob sa daan.

Sa bahagi ng QCPD, hindi ito sapilitan at hindi rin ito isang patakaran dahil boluntaryo lang ito sa mga may gustong sumunod sa ligtas na pagmo-motor.

Dapat nating tandaan na ang paglutas ng krimen ay hindi lamang obligasyon ng ating kapulisan, ikaw, ako at tayong  lahat ay kailangang maging katuwang ng pamahalaan para na rin sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay.

***

Sa halip na  magyabang si North Korean President Kim Jong Un ng kanilang nuclear power laban sa South Korea at Amerika, mas magandang may  makapagbulong sa kanya na unahin niya munang pakainin ang kanyang mga mamamayan.

Ang lakas ng isang bansa ay hindi dapat maibatay sa lakas ng kanyang armas, bagkus ay sa lakas ng kanyang mga mamamayan.

Sa tindi ng kagutuman at miserableng buhay ng mga taga-North Korea, hindi bagay sa Pangulo ang umastang hambog sa mata ng mundo.

Hindi ako magtataka kung sumabog ang isang malaking internal revolution sa loob ng North Korea kung patuloy na mamamatay ang mga bata at mga matatanda dahil sa gutom.

Lumilitaw sa mga international report na si Pang. Un ay may total networth na US$5 billion habang ang kanyang mga mamamayan ay sinusuwelduhan lamang ng kanilang pamahalaan ng US$2 hanggang three dollars per month.

Kailangang magkaisa ang mundo para sagipin ang mga mamamayan ng North Korea mula sa tiyak na kamatayan dahil sa makasarili at utak-pulburang liderato ng diktador na si Totoy Giyera!

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>