Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59729

CGMA, Bedol at Ampatuan Sr., ipatatawag ng Pasay RTC

$
0
0

IPATATAWAG sa Lunes, Enero 14 ng Pasay City Regional Trial Court sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo, dating election supervisor Atty. Lintang Bedol at dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. upang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig hinggil sa kanilang kinakaharap na kasong electoral sabotage.

Ayon kay Felda Domingo, tagpagsalita ng Pasay City RTC Branch 112, padadalhan ng subpoena ang mga nabanggit upang humarap sa pagsisimula ng unang araw ng trial o paglilitis ng nasabing kaso sa Enero 31 araw ng Huwebes.

Ayon pa kay Domingo, hindi kinakailangang magtagal ang mga kasusado sa hukuman dahil kinakailangan lamang nilang pirmahan ng personal ang tinatawag na pre-trial order.

Dagdag pa nito, magpapadala na rin sila ng subpoena sa Police Security and Protection Group, Veterans Memorial Medical Center, kung saan naka-hospital arrest ang dating pangulong Arroyo,  PNP Custodial Center kung saan nakakulong si Bedol at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kung saan nakapiit si Ampatuan  para sa pagbibigay seguridad sa kanila.

Magugunitang sinampahan ng kasong electoral sabotage ng Comelec sina Arroyo, Ampatuan at Bedol noong nakaraang taon dahil sa naganap na dayaan noong 2007 halalan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 59729

Trending Articles


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


2 pang video sa Mamasapano clash, hawak ng DoJ


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Pinagalitan ng magulang, 15-anyos nagbigti


2 spa na may extra service sa Cavite, sinalakay; 2 arestado


Maganda Pa Ang Daigdig


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


PAGSASALAT


PROSPERO COVAR: Ama ng Pilipinolohiya


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pagpalit kay Mark Lapid bilang hepe ng TIEZA itinanggi


Suso ng 15-anyos nilamas ng 20-anyos


Sun Cellular expands good choices available with a Sun Group Plan 999


Long Mejia may sex scandal


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Mga kasabihan at paliwanag


MULA SA BITUKA NG HAYOP--tula ni E. San Juan, Jr.


ANTIKUWARYO


KANTUTAN



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>