Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

ANG GULO SA KOREA

$
0
0

by the squareMARAMI ang sumisisi sa North Korea bilang ugat ng krisis sa Korean peninsula ngayon. Subalit ang hindi napapansin ng karamihan ay ang katotohanan na ang tunay na ugat ng krisis ay ang sapilitang paghahati sa bansang ito ng Amerika at nang dating Unyong Sobyet matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Nuong 1945 ay napagkasunduan ng U.S. at Unyong Sobyet o Rusya na biyakin ang Korea sa dalawang bahagi. Ginamit nila ang 38th parallel bilang punto ng hatian. Ang hilagang bahagi o North Korea ay inukopohan ng Rusya samantalang ang katimugang bahagi o South Korea ay sinakop ng U.S. Bago pa ang U.S. at Rusya ay dating sakop ng bansang Hapon ang Korean peninsula.

Ano kaya ang basehang karapatan ng dalawang bansang ito na hatiin ang isang lipi ng wala man lamang karampatang konsultasyon sa mga taong maapektuhan ng hatian? Itinuring na basahang pinag-aagawan ang Korea ng Amerika at Rusya sa panahon ito kung kalian mainit ang tinatawag na Cold War.

Dapat mabatid ng taong bayan na nuong 1948, matapos maitayo ang Democratic People’s Republic of Korea (ang opisyal na pangalan ng North Korea) ay nilisan na ng Rusya ang Korean peninsula. Samantala sa kabila ng pagkakatatag ng Republic of Korea (opisyal na pangalan ng South Korea) nuong 1948 din ay hindi na umalis duon ang puwersang Amerikano.

Dapat ding mabatid na matapos maitatag ng mga komunista nuong 1949 ang People’s Republic of China at bago sumiklab ang digmaan sa Korea nuong June 1950 ay nagpasya na ang Amerika sa guluhin, kundi man tuluyang lusawin, ang mga komunistang bansa sa Asya, kabilang na rito ang North Korea at P.R.O.C. Kaya maaring masabi na ang panantili ng puwersang Amerikano sa Korea ang mitsa ng digmaan duon.

Ang patuloy na pananatili ng mga Amerikano sa South Korea ay may malaking papel kung sa inaasta ng pamunuan ng North Korea ngayon. Hindi ko masisisi ang mga ito kung para silang may sayad kung magkikilos dahil mahigit sa 30 porsyento ng kanilang populasyon ang namatay at halos lahat ng kanilang mga lungsod at bayan ay inabo ng mga Amerikano nuong panahon ng digmaan sa Korean peninsula.

Matagal ng ibig makipag-kasundo ng North Korea sa Amerika upang matigil na ang kaguluhan subalit ayaw silang pakinggan. Ibig kasi ng Amerika na manatili ang hatian sa peninsula upang may dahilan sila na magpalakas ng puwersa sa Asya para harapin ang P.R.O.C.

Walang kinalaman sa kapayapaan o pagpapalaya sa mga taong nasasakupan ng diktadura ng North Korea ang ginagawa ng U.S. at mga alyado nitong South Korea at Hapon. Ang nasa likod ng kanilang kilos ay pansariling interes lamang. Ito ay upang mabantayan, kundi man masabotahe, ang Tsina sa patuloy nitong paglakas.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>