Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58269

CONG. SARMIENTO THE BEST DILG

$
0
0

MAUGONG ang mga bali-balita na isa si Samar Congressman Mel Senen Sarmiento sa papalit kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa oras na magbitiw na ito sa kanyang pwesto upang simulan ang pangangampanya.

Personal na kakilala natin itong si Congressman Mel at isa ito sa mga taong nirerespeto at kinabibiliban ko pagdating sa ugali, prinsipyo at kakayahan.

Sa mga hindi nakaaalam ay kagaya ng kanyang yumaong matalik na kaibigan na si dating DILG Secretary Jesse Robredo, isang “Hall of Famer” itong si Cong. Mel pagdating sa mga nakuhang parangal bilang pinakamagaling na local chief executive noong siya ay nanunungkulan bilang alkalde ng Siyudad ng Calbayog.

Marami siyang naimbentong programa sa kanyang bayan na siyang ginagaya ngayon ng napakaraming bayan sa ating bansa.

Gaya na lang noong napansin niya na tamad pumasok sa paaralan ang mga kabataan sa mga barangay na medyo malalayo sa mga paaralan, naglunsad siya ng libreng “school bus” program para sa mga ito.

Bago pa man nauuso ang tinatawag na bottom-up budgeting o BUB sa pagtaya ng ating taunang national budget ay ipinatutupad na niya ito sa kanyang bayan sa Calbayog.

Sa pamamagitan ng BUB ay napupunta ang salapi ng bayan sa mga proyektong tunay na kailangan ng kanyang mga kababayan dahil sila mismo ang nagtatala ng mga proyektong dapat tustusan ng kanilang lokal na pamahalaan.

Dahil dito ay unti-unti nawala ang mga mala-kabuteng waiting shed at napalitan ng farm-to-market roads at post-harvest facilities.

In short, out-of-the-box mag-isip itong si Cong Mel at hindi siya basta-basta sumusunod sa mga tradisyonal na pananaw pagdating sa pamamahala.

Ito marahil ang dahilan kung bakit parang barkada lamang ang turing sa kanya ng kanyang mga kababayan sa Samar.

Mga ganitong lider ang kailangan ng ating bansa at sa palagay ko ay maraming magagawa itong si Cong. Mel sa DILG sa oras na maitalaga siya rito bilang kalihim at kung sakaling tatanggapin niya ito.

At bagama’t kakaunting panahon na lamang ang nalalabi upang siya ay manungkulan, natitiyak kong sulit na sulit ang serbisyong ipagkakaloob niya sa ating mga mamamayan.

****
Para sa inyong mga sumbong tungkol sa mga mali sa lipunan at mga tiwaling lingkod-bayan, mga komento at suhestiyon at mag-e-mail lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58269

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>