Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

Cooking tips

$
0
0
  • KUNG mahilig din lang magluto, makatutulong ang ilang tips na ito
    para mas madali ang paggalaw sa kusina, mas mabilis makapagprepara ng pagkain, at mas malinis ang mga kasangkapan.
    ·         Bago buksan ang pakete ng bacon, irolyo ang pakete at pagulong-gulungin. Sa ganitong paraan, madaling maghihiwa- hiwalay ang bacon.
    ·         Kung gagamit ng orange, ilubog muna sa kumukulong tubig bago balatan. Mas lalambot ang balat nito kapag nailubog na sa mainit na tubig.
    ·         Kung gagawa ng hamburger, gumamit ng pang-scoop ng sorbetes sa paghulma ng giniling. Sa ganitong paraan, pantay ang dami ng patties.
    ·         Tanggalin ang dumikit na keso, o anumang gulay sa panggadgad sa pamamagitan ng pagkiskis ng sepilyo. Makabubuting bumili ng sepilyo para sa ganitong gawain. Itago ang sepilyo kasama sa gamit-panluto.
    ·         Patakan ng kaunting mantika ang mantekilya para maiwasan ang pagkasunog ng anumang gustong iprito sa mantekilya.
    ·         Kapag nagluluto ng pasta, hayaang kumulo nang maigi ang tubig, lagyan ng kaunting mantika ang tubig para hindi
    magkadikit-dikit ang pasta, at lagyan ng kaunting asin para
    magkalasa ang niluluto. Huwag iluto nang sobra ang pasta para
    hindi lumabsa.
    ·         Sa pagbabalat ng sibuyas, mainam na basaing maigi ang
    sibuyas. O kaya naman ay magsubo ng isang putol ng pan Amerikano para maharangan at sipsipin ang mga lumalabas na katas na nakapagpapaluha sa mga mata habang hinihiwa ang sibuyas.
    ·         Para masaid ang mga tomato paste, cream, at ketsap sa
    lalagyang lata o bote, lagyan ng maligamgam na tubig at alog-
    alugin. Marjorie Ann Dacoro

Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>