Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

Territorial dispute sa China, bigyan-pansin – DFA

$
0
0

HINILING ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dapat ihayag ng mga presidential candidates ang kanilang stand kaugnay sa kinasasangkutang isyu ng Pilipinas sa China hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Foreign Assistant Sec. Charles Jose, mahalagang mabatid ng publiko kung ano ang stand ng mga presidential bets sa 2016 national elections kaugnay sa territorial disputes dahil ito ang magiging guide sa pakikitungo ng bansa sa China na naglalayon maresolba ang isyu.

Sinabi ni Jose na ang susunod na pangulo ng bansa ay posibleng may gagawing ibang approach para ipaglaban ang teritoryo ng bansa.

Dagdag pa ni Jose, pwedeng isulong ng susunod na pangulo ang bilateral negotiations sa Beijing kung naniniwala ito na ang pakikipag-usap ang siyang magiging solusyon sa nasabing usapin.

Dagdag pa nito, interesado din ang China sa nalalapit na 2016 presidential elections.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagdinig ng United Nations Arbitral Tribunal kaugnay sa inihaing kaso ng Pilipinas laban sa China na isinagawa sa The Hague, Netherlands. JOHNNY ARASGA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530