AABOT na lamang sa 3.8-million ang mga botante sa bansa ang walang biometrics, 100 araw bago ang pagtatapos ng registration.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), mula sa dating 4.8-milyong mga botanteng walang biometrics noong Enero hanggang Marso ay bumaba na ito sa mahigit 1-milyon noong Abril hanggang Hunyo.
Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ito na ang pinamalaking decrease sa magkakasunod na tatlong buwan mula nang binuksan ang registration.
Naniniwala si Jimenez na dahil sa inilunsad na “No Bio, No Boto” ay dumami ang mga botanteng nagparehistro para makaboto sa 2016 presidential elections.
Posible rin umanong marami na ang nagpaparehistro dahil sa Oktubre 31 na ang deadline nito.
Nabatid na sa ilalim ng Mandatory Biometrics Registration Act of 2013, ang mga botanteng walang biometrics data – digital photograph, signature at fingerprints ay hindi maaring bumoto sa 2016 presidential election. JOHNNY ARASGA