AMINADO si Enchong Dee na kuripot siya pero tama naman ang katwiran niya na maging wise sa paggastos ng pera at nakapag-invest siya. Ayaw nga naman niya na mapunta sa wala ang pinagpaguran niya sa showbiz.
Nandoon ‘yung napupuyat siya sa taping, hindi nakakasama ang pamilya dahil sa trabaho kaya dapat lang daw na mapunta sa maganda ang pinagkakakitaan niya.
Na-reveal din sa guesting nila ng utol niyang si AJ Dee na magastos ang Kuya niya sa pera. Ubos diumano ang kinikita nito sa paggastos. Pero ngayong may pamilya na si AJ ay medyo nagbago na rin.
Pero nandoon din ang pagseselos ni AJ sa mga barkada ni Enchong na sina Rayver Cruz, Gerald Anderson. Iba raw kasi ang tuwa at galaw ni Enchong pag nakakasama ang mga ito kesa sa kanya na kapatid niya. “Hindi totoo ‘yan,” natatawang katwiran ni Enchong.
Pak!
-0o0-
Tinanong si Anne Curtis kung naapektuhan ba siya sa controversial tweet ni Rhap Salazar na hate niya ang mga nagli-lip sync. “Hindi ako nagli-lip sync! Baka ibang tao ‘yun,” sambit ni Anne.
Ang importante raw ay may napasasaya siya at sapat na ‘yun. Irespeto na lang daw kung ano ang opinyon ng ibang tao.
“Basta aminado ka naman na hindi ka talaga singer, okay ‘yun. Pero kasi iba naman ‘yung sasabihin mo singer na singer ka na. May ma-o-offend talaga,” bulalas pa niya sa isang panayam.
Anyway, tinatanong din si Anne kung magpapakasal na rin ba siya dahil malapit na rin siyang mawala sa kalendaryo. Nagi-enjoy pa raw sila ng bf niyang si Erwan Heussaff na hindi naman engaged. Hindi pa raw ngayon.
-0o0-
Effective na kontrabida sa Let The Love Begin sina Donita Rose at Rita Daniela dahil may mga pumupuri sa kanila sa social media. Kamakailan ay nag-post si Rita ng larawan sa kanyang Instagram Account na kasama sina Donita at Gladys Reyes.
Ang caption ay “I am blessed that I was given a chance to work with the two prominent and respected actresses in the show business. Thank you direk @ginalajar for making a warm and happy set. I love you.”
May nakapansin na namumugto ang mata ni Rita sa larawang ‘yun. Nagpaliwanag pala siya sa isyung nairita diumano ito kay Donita nang magkamali sa isang eksena nila sa “Let The Love Begin”. Umikot daw ang mata at tila umirap.
Sinabi rin ni Rita na stressed lang siya dahil pinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral.
Humingi siya ng paumanhin kay Donita kung na-misenterpet siya. Wala raw siyang balak na irapan o tarayan si Donita. Stressed lang daw siya nu’ng mga panahong ‘yun dahil exams pa nila.
Ipinagtanggol naman siya ng director ng “Let The Love Begin” na si Direk Gina Alajar na ganoon lang magkikilos si Rita. Pinagsabihan din si Rita na maging palabati sa mga senior stars bilang respeto dahil ‘yun ang inirereklamo sa kanya.
-0o0-
Finale week ngayon ng “Oh My G” at samahan natin si Janella Salvador (Sophie Cepeda) to her Ultimate Test Of Faith”.
Maraming aral ang iiwan ng prime-tanghali serye na ito dahil ang kasakiman may pagbabayaran sa bandang huli. Nag-iiwan din ng mensahe na ‘wag mawawalan ng pag-asa sa mga mabigat na pinagdadaanan basta’t i-surrender mo ang sugat sa Kanya.
Anyway, meron ding finale mall show po ngayong Thursday, July 23, sa may SM Batangas, 5 PM with Marlo Mortel, Janella Salvador at ibang cast. XPOSED/ROLDAN CASTRO