Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58159

Allen Dizon, best actor na naman!

$
0
0

MULI na namang nanalong Best Actor si Allen Dizon sa nagdaang 38th Gawad Urian awards para sa pelikulang Magkakabaung. Ito na ang ika-pitong Best Actor award ni Allen para sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana.

Bago ito, sumungkit muna ng tatlong international Best Actor awards si Allen sa Harlem International Film Festival sa New York, Hanoi International Film Festival sa Vietnam, at Silk Road International Film Festival sa Ireland. Sinundan ito ng apat na local awards bilang pinakamahusay na aktor sa MMFF New Wave, 13th Gawad Tanglaw, 17th Gawad Pasado, at dito nga sa Urian.

Sa Magkakabaung, gumanap si Allen bilang tagagawa ng kabaung o ataul na aksidenteng napatay ang sariling anak nang napainom niya ito ng maling gamot. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi niya matustusan ang gastos sa pagpapalibing dito, kaya nagpasya siyang gumawa ng marahas na hakbang para sa mahal na anak.

Napilitan siyang nakawin ang bangkay ng sariling anak sa isang funeraria na sobrang mahal ng hinihinging bayad, na hindi naman niya kayang ibigay. Kaya siya na mismo ang gumawa ng ataul ng anak at naglibing dito sa lahar area sa Pampanga.

Kabilang sa tinalo ni Allen sa Gawad Urian sina Robert Arevalo (Hari ng Tondo), Nonie Buencamino (Dagitab), JM de Guzman (That Thing Called Tadhana), Sandino Martin (Esprit de Corps), Robin Padilla (Bonifacio: Ang Unang Pangulo), Arnold Reyes (Kasal), Jericho Rosales (Red), J.C. Santos (Esprit de Corps), at Dennis Trillo (The Janitor).

“Lahat sila magagaling, so hindi ko ine-expect na ako iyong makakakuha ng parangal. Ako iyong kinakabahan, eh, kasi sampu kaming best actor nominees,” pahayag ng morenong aktor.

Saad pa ni Allen, “Natupad na rin ang pangarap ko. Kumpleto na ako. Iba kasi ang Urian. Aside from being credible, napakalaki ng respeto ko sa kanila tulad ng iba’t-ibang award giving bodies. Feeling ko, hindi talaga kumpleto ang career ko kung hindi pa ako nananalo sa Urian.

“Laking pasalamat ko dahil sa wakas, nanalo na rin ako sa Urian,” nakangiting wika niya.

Kasalukuyang ginagawa ni Allen ang pelikulang Iadya Mo Kami (Deliver Us) under BG Productions International na pag-aari ni Ms. Baby Go. Ang role ni Allen dito ay isang pari na may naanakang girlfriend at ayon sa aktor, isa ito sa pinaka-challenging na role na kanyang gagampanan.

Reunion movie rin ito nina Allen, Direk Mel Chionglo at ng batikang manunulat na si Ricky Lee. Bukod kay Allen, tampok din dito sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, Diana Zubiri, at iba pa. TSIKA EXPRESS/NONIE NICASIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58159

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>