INILABAS na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang listahan ng mga pelikulang kasama sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kasama rito ang Nilalang (entity), na pagbibidahan nina Robin Padilla at Maria Ozawa.
Sa horror naman ang Death and Senses at Hunted Mansion. Patok din ang Hermano Puli, kasaysayang paghihigmagsik sa mga Kastila.
Sa comedy, pasok din ang Mr. and Mrs. Split na tatampukan nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista, Beauty and the Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin.
Romance Comedy naman ang Romcom-in Mo Ako nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas at ang Walang Forever nina Jay de Guzman at Jennylyn Mercado. JOHNNY ARASGA