Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59342

Kawani ng DPWH patay sa puno ng santol

$
0
0

POLOMOLOK, South Cotabato- PATAY ang isang kawani ng Department of Public Works and Highway (DPWH) Sarangani Province matapos sumalpok ang minamanehong kotse sa puno ng santol kahapon ng madaling araw, Setyembre 16 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Eduardo Hachuela Trinidad Jr. alyas Alog, 33, dating college varsity basket player at residente ng Barangay Poblacion, Alabel, Sarangani Province.

Ayon kay PLt. Col. Peter Pinalgan Jr. Pinalgan, hepe ng Polomolok Police Station, bandang 3:00 AM nang maganap ang insidente sa national highway na sakop ng Barangay 1, Sto. Rosario, Barangay Glamang, Polomolok, South Cotabato.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsubishi Mirage plate number MBD 2210 at posibleng nakatulog ito hanggang sa sumalpok sa puno ng santol.

Sa lakas ng bangga, nawasak ang harapang bahagi ng sasakyan at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Paniniwala ng mga awtoridad maaaring mabilis ang patakbo ng sasakyan ng biktima at nakaidlip ito na naging sanhi ng aksidente. Mary Anne Sapico

The post Kawani ng DPWH patay sa puno ng santol first appeared on Remate Online.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59342

Trending Articles


AKLAT SECRETO NG KABALISTICO


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


LAGALAG


Pawnshop sa Iloilo City hinoldap


18-anyos, pinagparausan ng 3


PAGBABATA


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Maganda Pa Ang Daigdig


Mga kasabihan at paliwanag


SALUKSOK


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Katrina Dovey, payag maging sex worker ang jowa!


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


Bangkay ng babae sa Aklan, biktima ng palpak na abortion


BUMABALIK NA NAKAKAHON


KANTUTAN


Tula Tungkol sa Bagyo


Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Dalumat ng Pagkataong Pilipino



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>