Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59279

Blurred na mugshot ni Quiboloy ipinaliwanag ng PNP

$
0
0

MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes kung bakit naglabas ang organisasyon ng pulisya ng mga malabong bersyon ng mga mugshots ng pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Pastor Apollo Quiboloy at ng kanyang mga kapwa akusado.

“Same case din po sa mga iba nating mga ni-release na photos before ay blurred din po in compliance po yan sa utos ng [Commission on Human Rights] na hangga’t maaari ay hindi po ipakita,” paliwanag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang ulat.

“Even yung mga ordinary po na naa-arrest po natin na galing po sa mga region at iba pa pong operating unit, kapag naglabas po yan ng mugshot nakatago po talaga yung mukha,” aniya pa.

Nilinaw ni Fajardo na malabo rin ang mugshot ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na opisyal na inilabas ng PNP sa media.

Nang tanungin kung bakit iniharap sa media si Quiboloy at ang kanyang mga kapwa akusado na nakatakip ang mga mukha hindi tulad ni Guo, sinabi ni Fajardo na hiniling ito ng pinuno ng KOJC at ng iba pa.

“Yung nangyari kay Alice Guo noong lumakad po sila ay naka-face mask lang po siya. Yun naman po. Sabi naman po niya, okay naman po siya doon pero kung napansin niyo po noong nandoon na po siya ay tumalikod po siya. Hindi. po natin siya mapuwersa po talaga na iharap Karapatan naman po niya yun,” paliwanag pa ni Fajardo.

Kasalukuyang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City si Quiboloy at ang iba pa niyang kasamang akusado. RNT

The post Blurred na mugshot ni Quiboloy ipinaliwanag ng PNP first appeared on Remate Online.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59279


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>