Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58269

Tanod itinumba ng nakaalitan sa lamayan

$
0
0

LA UNION- Patay ang isang barangay tanod matapos na pagbabarilin ng nakaaway nito sa isang lamayan sa Brgy. Camilo Osias, Balaoan ng lalawigang ito kagabi, Agosto 24.

Ang 43-anyos na biktima at ang 58-anyos na suspek ay kapuwa residente ng naturang bayan.

Habang nasa lamayan, bigla na lamang umanong nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa hanggang sa maglabas ng baril ang suspek at binaril ang biktima.

Tinamaan sa katawan ang biktima na agad tumakbo papuntang hilagang direksyon sa barangay road ng naturang lugar ngunit hinabol ito ng suspek.

Nang bumagsak sa semento ang biktima, agad na nilapitan ito ng suspek at saka binaril sa ulo ang biktima.

Pagdating ng mga personnel ng Balaoan Municipal Police Station ay nakita nila ang duguang biktima kaya agad nila itong isinugod sa Balaoan District Hospital.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Arestado naman ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga otoridad.

Narekober ang ginamit na baril ng suspek na isang magnum-caliber 22 revolver. Rolando S. Gamoso

The post Tanod itinumba ng nakaalitan sa lamayan first appeared on Remate Online.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58269

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>