Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

MWP na vendor timbog sa Pasay

$
0
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Pasay City police ang isang vendor na wanted sa kasong frustrated homicide Biyernes ng gabi, Agosto 23.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Samuel Pabonita ang inarestong suspect na si alyas Ali, tinaguriang most wanted person (MWP) ng pulisya.

Ayon kay Pabonita, naganap ang pag-aresto sa suspect bandang alas 11:00 ng gabi sa kanto ng Pasadena at F.B. Harrison St., Pasay City.

Sinabi ni Pabonita na naganap ang pagdakip kay alyas Ali para sa kanyang pagpapatupad ng kanyang sentensya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Edilwasif Tapsiril Baddiri ng Branch 115 nitong Agosto 19, 2024.

Makaraan ang pagdakip sa suspect ay agad na ikinulong sa custodial facility ng Pasay City police ang suspect habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa paglilipatan ng kanyang pagkukulungan sa Pasay City jail. James I. Catapusan

The post MWP na vendor timbog sa Pasay first appeared on Remate Online.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>