Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58332

Tagasunod ni Quiboloy patay sa ‘cardiac arrest’ sa paglusob ng PNP sa KOJC compound

$
0
0

MANILA, Philippines – Patay ang 50-anyos na miyembro ng Kingdom of Jesus Christ religious group dahil sa cardiac arrest kasabay ng operasyon ng Philippine National Police para isilbi ang arrest warrant laban sa puganteng lider nitong si Pastor Apollo Quiboloy, at iba pa na nahaharap sa pang-aabuso at trafficking cases nitong Sabado, Agosto 24 sa Davao City.

Ayon kay Police Regional Office XI spokesperson Catherine Dela Rey, labis ang pagod na naranasan ng lalaki dahil siya ang nautusan na magbantay sa tower ng compound sa magdamag.

Nasa 2,000 pulis ang itinalaga sa KOJC compound, kung saan nagmartsa ang mga pulis mula Camp Quintin Merecido bago mag alas-4 ng umaga patungo sa KOJC compound.

Ipinresenta ni Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, regional police director, ang mga dokumento ng warrants of arrest laban kay Quiboloy.

Naniniwala ang mga awtoridad na nasa loob ng compound ang puganteng pastor. RNT/JGC

The post Tagasunod ni Quiboloy patay sa ‘cardiac arrest’ sa paglusob ng PNP sa KOJC compound first appeared on Remate Online.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58332

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>