Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

Lolo nagpapanggap na kawani ng Palasyo, laglag sa NBI

$
0
0

NAHULOG sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 63-anyos na lalaki na nagpapanggap na empleyado ng Presidential Action Center ng Malakanyang upang makapanggoyo at kumita ng malaking salapi.

Ang pagkakaaresto kay Henry Alvarez Da Silva, ng Magdame St., Brgy., 5 Sariaya, Quezon at Brgy Balubal, Sariaya, Quezon ay bunsod ng reklamo ng isang Vicente Ferrer ng Tiaong, Quezon.

Sa reklamo ni Ferrer sa NBI-Lucena District Office (LUCDO), nakipagkita sa kanya ang suspek na nagpakilalang empleyado ng Malakanyang at nagsabing marami siyang koneksiyon sa iba’t ibang sangay ng tanggapan ng gobyerno na makakatulong sa anumang hihilingin nito.

Humingi naman ng pabor si Ferrer sa suspek na tulungan kaugnay sa kanyang apela sa pamangkin na may kasong murder sa Korte Suprema.

Kapalit ng paborableng resulta ay hiningan ng suspek si Ferrer ng halagang P100,000 subalit walang nangyari sa kahilingan ng biktima hanggang sa nagtago ang una.

Dahil dito, dumulog si Ferrer sa NBI-LUCDO noong Pebrero 26 at nadiskubre na ang suspek ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong illegal recruitment at estafa sa iba’t ibang korte sa Quezon, Manila at Pangasinan.

Bunsod sa reklamo ni Ferrer, nagsagawa ng operasyon ang NBI-LUCDO matapos makatanggap ng impormasyon na may katatagpuing mabibiktima ang suspek sa Biñan.

Nang maispatan ang suspek na sakay ng kanyang Toyota Town Ace habang papasok sa South Luzon Expressway (SLEX) Carmona Exit ay pinatigil ito at isinilbi ang warrant of arrest.

Itinanggi naman ng Presidential Action Center ng Malakanyang na konektado sa kanila ang suspek.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>