NAGPAALALA ngayon ang Department of Public Works and Highway (DPWH) sa mga motorista kaugnay ng kanilang road improvement and maintenance works na magsisimula mamayang gabi.
Dakong alas-10:00 ng gabi mamaya magsisimula ang road maintenace ng kagawaran at magtatapos ito sa Lunes, Marso 11, sa ganap na alas-4:00 ng madaling araw.
Dahil dito, nagbabala ang DPWH na asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko ngayong Sabado at Linggo.
Ayon sa DPWH, kabilang sa mga kukumpunihing kalsada ay ang Road 10, District 1, Tondo, Manila (northbound), Herbosa St – C2 Road papuntang Navotas,
- Nicanor Reyes St., Sampaloc Manila District IV C.M. Recto Avenue – España.,
- Mindanao Avenue, Quezon City (southbound), Catleya St. to North Avenue (1st lane),
- Quirino Highway, Quezon City (northbound), Regalado North to Hill Top (1st lane),
- Fairview Avenue, Quezon City (southbound), Mindanao Extension to Minland Drive (3rd lane),
- North Avenue, Quezon City (eastbound), Intersection of Mindanao and North Avenue (near corner Mindanao Avenue) at
- Ortigas Avenue, Pasig City (intermittent section), Lanuza Avenue to Corinthian Street.