IPINAHAYAG ngayon ng bansang Espanya na bababa sa trono si King Juan Carlos, 76.
Ayon kay Spanish Prime Minister Mariano Rajoy, makaraan ang 40 taong pamumuno ay nagdesisyon ang hari na magpahinga na.
Nabatid na nitong mga nakaraang taon, sunod-sunod na ang isyu sa kalusugan ng hari kung saan sumailalim ito sa hip operation.
Papalit sa hari ang kanyang anak na si Crown Prince Felipe, 45.
Isa si King Juan Carlos sa pinakasikat na monarch sa buong mundo bagama’t nito lamang ay nabawasan ang tiwala sa kanya ng mamamayan sa Spain nang masangkot sa korapsyon ang isa sa mga anak nito.
Si King Juan Carlos ay namuno sa Spain simula noong 1975.
The post Hari ng Spain bababa sa trono appeared first on Remate.