Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58485

NAPOLIST: LABO-LABO SA SENADO

$
0
0

baletodoMAILALARAWAN ba ninyo ang senaryo sa Senado sa oras ng imbestigasyon nila sa P10 bilyon na pork barrel scam?

Noong una kasi, tila nagpipista ang maraming senador laban sa tatlo nilang kasama na unang nadiin gawa ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.

Ngayon nailabas na ang listahan mula kay Justice secretary Leila de Lima at Rehab Czar Panfilo Lacson, halos lahat ng senador at kongresista sa Kamara ay sabit din pala. In short, mayorya ang sabit sa Napolist.

Heto ang senaryo na nakikita natin sa Senado sa oras ng imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee.

“Your honor, kayong tatlong nauna pala ay maliit ang kinita kumpara sa iba nating kasama?”

Isa sa tatlo, “yes your honor and I would like to put into record that alibis of our fellow senators earlier who stated, “hindi ko kilala si Janet”, “hindi ko nakasama sa anomang party si Napoles”, “my signature was forged”, “I knew her pero hindi namin napag-usapan ang pork barrel” BE STRICKEN OUT IN THE RECORD KASI YOUR HONOR, NAGAMIT NA NAMIN IYAN!

‘Yung isang senador ay aatakihin ang kapwa sabit na senador sabay deny-to-death at babanat din sa kapwa sabit na senador ‘yung nakalista at labo-labo na ang tanungan na may bintangan kung bakit ang iba ay Malaki ang komisyon samantalang sila pala ay karampot lang! Hahahahahaha.

Para sa mga mahal naming na mga swapang din na senador, isang bilyon man o singko sentimos, kapag iyan ay galing sa kawalanghiyaan, kutsabahan, korapsyon at katiwalian – IISA LANG ANG TIMBANG NG BATAS diyan – mga dorobo kayo o magnanakaw pa rin sa dilang magnanakaw!

So papaano nga kaya ang mangyayari? Anong kapal ng mukha na mag-imbestiga ang isang sangkot na senador sa kapwa niya sangkot na senador? One after the other ba ang imbestigasyon? Pipila ba sila sa oras ng pagdinig?

May aamin kaya sa kanila na totoong nakinabang sila kay pork barrel queen?

Sapul nang lumabas ang listahan ni Janet, nagulo ng tuluyan ang pansitan ng Malacanang. Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ngayon ay nagdududa sa listahan ng kumare niya. Inamin nga niya na lalong napapabilis ang pagkakalbo niya sa tindi ng lumabas na problemang PDAF-DAP-Malampaya scam.

Bakit nga hindi? ‘Yung ibinibintang nila na katiwalain laban sa nagdaang administrasyon ay nagmukhang kuto lang sa liit ng pondo na ibinibintang kaysa ngayon sa rehimen ni Aquino.

Noon ay parang ang laki nga, daan-daang milyon pero ngayon, susmaryosep, multi-bilyon kada kaso ng transaksyon.

Naku, abangan na lang natin ang bagong zarzuela sa Senado. Para silang mga komedyante na magtuturuan ng kasalanan sa isa’t isa. Ikaw, ikaw rin, kayo rin ang mauusong salita roon. Mali po. KAYONG LAHAT!

The post NAPOLIST: LABO-LABO SA SENADO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58485

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>