SA Senate hearings tungkol sa pagkakaaresto kay Delfin Lee ang nagpaalala sa mga pangyayari sa Philippine National Police organization at maging ang speech ni Pang. Noynoy Aquino na tumatalakay sa kaparehong isyu.
Naging viral sa media ang protestang ginawa ng pulis na humuli kay Lee na si Task Force Tugis chief Supt. Conrad Capa.
May kinalaman ito sa pagkakalipat niya ng assignment sa kabila ng pagkakaaresto niya sa isa sa mga itinuturing na Most Wanted.
Kaliwa’t kanan ang pahayag ni Capa ng pagkadismaya niya sa kanyang re-assignment at sinabi pa nito na galit na galit siya sa pagkakatanggal niya sa Task Force.
Mali raw na inilipat siya sa kanyang bagong posisyon na deputy regional chief for operations ng Cebu Regional Police Office matapos na maaresto nito si Delfin Lee.
Ibinulgar din ni Capa sa media ang kanyang pagkaasar at nasorpresa at nainis siya sa kanyang bagong assignment.
Ito’y sa kabila ng ipinaliwanag na ni PNP chief Gen. Alan Purisima na ang pagkalipat sa puwesto n’ya ay isang promosyon at reward.
Ayon pa kay Hen. Purisima, matagal na si Capa sa kanyang puwesto sa Task Force Tugis at kailangan na nito na ilipat sa bagong assignment para maging chief superitendent.
Ang siste, habang kalmado at seryoso si chief PNP, walang habas naman ang pangangalampag ni Capa sa media.
Kaya hindi na siguro napigilan ni Pang. Aquino na ipahayag ang kanyang sentimyento na kahit hindi binabanggit ang pangalan ni Capa ay pagkainis at galit na pinatamaan niya ang nasabing opisyal sa speech nito sa Araw ng Parangal sa Kapulisan ng PNP.
Bukod sa patutsada ay inakusahan pa ni Pang. Noynoy si Capa na taksil sa institusyon na kanyang pinaglilingkuran at sinabing ang ginawa niya sa pagsumbong sa media ay isang paninira!!!
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com
The post ANG TUNAY NA KUWENTO NG DALAWANG PNP OFFICERS appeared first on Remate.