MAGANDA at maayos naman ang ini-request na meeting ni Martin del Rosario sa mga big boss ng ABS-CBN, seeking a release of his contract sa Kampamilya Network.
Sa meeting ay naibigay ng may blessing ng network ang hinihinging release contract ni Martin.
Present sa meeting sina Ms. Cory Vidanes, Lauren Dyogi, Star Magic`s Mariole Alberto at ang mother ni Martin. Wala ang manager ng actor na si Arnold Vegafria dahil out of the country daw ito.
Ayon sa nakarating sa amin, lilipat ng GMA 7 si Martin at this week daw magaganap ang contract signing ng actor.
Malaking asset daw si Martin sa GMA 7 dahil ayon na rin mismo sa taga-ABS ay naging professional na actor raw ito habang nasa pangangalaga ng Kapamilya Network.
Sa talent daw ngayon ni Martin, lalo na sa drama na ma-utilize ng Kapuso Network ang husay niya sa mga bagong teleserye ng network.
Maganda sa pag-alis niya sa ABS-CBN, bukod sa may blessing ay binigyan pa ng assurance ito na anytime na gustuhin bumalik sa Dos ay welcome pa rin ito.
***
IKINAGULAT ni Vhong Navarro nang tanungin ng press na tinanggihan niya raw si Ellen Adarna na makasama sa Da Possessed na comeback movie niya pagkatapos ng controversial na nangyari sa kanya.
Ayon kay Vhong, management decision daw ang pagkatsugi kay Ellen sa pelikula niya at ipinalit nga si Solenn Heussaff.
“Hindi totoong tinanggihan ko siya kasi wala namang kinalaman yun sa…ayokong mamersonal pagdating sa ganoon kasi trabaho ‘yun, eh. Artista si Ellen. So, bakit ko naman gagawin yun?” pahayag ni Vhong.
Aminado naman ang dancer/host/comedian na matagal na niyang gustong makasama si Solenn pero alam niya nakakontrata ito sa Regal Entertainment, Inc.
“Si Solenn, everytime na nagkikita kami, gusto ko laging sabihin sa kanya na gusto ko siyang makatrabaho,” dugtong pa ng Its Showtime host.
Pero ang problema, nang magsimula na silang mag-shoot ng Da Possessed ay hindi maibigay ni Vhong ang hinihingi ng character niya.
Kinausap siya ni Direk Joyce Bernal na kailangan mag-reshoot sila dahil nakukulangan si direk sa role na dapat i-portray niya.
Dapat kasi, ang makita sa movie ay inlove na inlove siya kay Solenn. So, ang ginawa ni Direk Joyce ay kinausap silang dalawa ng Kapuso star at pinagsama sa iisang dressing room para magkaroon ng bonding. Nagtagumpay naman si direk at nagkaigihan ang dalawa.
Tanong tuloy ng press kay Solenn, ano ang ginawa niya para maibalik ang confidence ni Vhong?
“What did I do? I possessed him! Ha! Ha! Ha! He’s my happiness. I don’t know? Game ako sa lahat. Kaagad-agad! We met several times pero ito yung first time,” say ni Solenn.
Sa movie ay pumayag makipag-kissing scene at nagpakita pa ng panty si Ms. Heussaff sa leading man niya.
Inggit na inggit tuloy sa komedyante ang mga kasamang komedyante ring sina Joey Marquez, Empoy, atbp. na naghahangad ding makasama at makahalikan si Solenn sa pelikula.
The post Martin del Rosario lumayas sa dos para pumunta ng siyete appeared first on Remate.