Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512

BOOKIES NINA ANNA AT PERRY NAMAMAYAGPAG SA MANILA

$
0
0

johnny_magalona103SINA Anna at Perry ang isa sa ngayon sa mga pinakamalaking bookies ng karera sa Maynila dahil umaabot sa 150 ang puwesto nito na ang karamihan ay nasa Presinto 10 ng Manila Police District(MPD).

Bukod sa PS10, may mga puwesto rin ang mag-partner in crime mula sa PS3, PS7 at PS1 ng MPD.

Biruin n’yo, dati lang naka-umbrella itong sina Anna at Perry sa bookies ng karera ni SP3 Presnedi na dating alyas Pacnoy, ngayon ay may codename na Tonton.

Sina Anna at Perry ay nagsimula lang sa maliit na pag-umbrella pero ‘di kalauna‘y nagsarili at nagsimulang magtimbre ng 20 puwesto lamang sa bawat mga unit kaya maliit lang ang ibinibigay nitong  intelihensya.

Mantakin n’yo, makalipas lang ng ilang buwan ay mabilis na napalago ng mag-partner ang kanilang bookies na halos tubong lugaw ang kinikita nila dahil pati ‘yung mga puwesto nina Boy A., Pasia, Daboy at  Apeng Sy sa buong Maynila ay kinuha at naagaw ng mga ito.

Ang ipinagmamalaki kasi nina Anna at Perry na nakatimbre na raw sila kina NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria at CIDG chief Gen. Benjamin Magalong.

ITUTULOY…

BOOKIES NG STL TULOY PA RIN

SA Bay at Los Baños, Laguna ay patuloy pa rin at walang takot na ino-operate pa rin ng dating alkalde ng Bay na si Edwin Ramos alyas ER ang bookies ng STL nito.

Palibhasa, wala itong ipinagmamalaki kundi tiyuhin niya si Bay Mayor Barako Bunoy Ramos at bestfriend naman nito si Los Baños Mayor Ceasar Perez.

Bukod daw kina Mayor Ramos at  Perez ay ipinagmamalaki rin ni ER na malakas din siya kay Laguna PD Supt. Romy Sapitula dahil sa nagbibigay siya ng timbre sa bagman/collector nitong si Vic Barrion.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

The post BOOKIES NINA ANNA AT PERRY NAMAMAYAGPAG SA MANILA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58512