Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

Sarah bantay-sarado kay Madir sa birthday party ni Matteo

$
0
0

KASAMANG nag-celebrate ni Matteo Guidicelli sa kanyang ika-26th birthday last Friday night sa Tipsy Bar sa Pasig City ang kanyang rumored girlfriend na si Sarah Geronimo na dumating sa okasyon kasama ang nanay nitong si Mrs. Divine Geronimo. Bagama’t nag-aalangan dahil nakabantay daw si Madir, hindi raw naitago ni Sarah ang kasiyahan sa piling ni Matteo at kinanta pa nila ang “All of Me”.

Super sweet sila kaya nagsigawan ang audience ng kiss na pinagbigyan naman nila. Hindi rin napigil ni Mommy Divine ang hindi matanggal na pagkaka-holding hands ng dalawa.

Sumuko na ba ang stage-mother sa anak niyang inlababu na yata ngayon? Dahil ang tanging nagagawa na lamang niya ngayon ay ang magbantay para hindi maka-three point si Guidicelli. Mahirap na nga namang maisahan ang kanyang dalaga.

Ang nasabing party ay dinaluhan ng in and out showbiz friends ni Matteo. Nakita rin sa event ang kapwa niya mga Kapamilya na sina Angelica Panganiban at boyfriend nitong si John Lloyd Cruz, Sheryl Cruz, Andi Eigenmann, Julia Barretto at marami pang iba.

***

CHERIE GIL NATAMEME KAY ERIC

MULA sa account ni Cherie Gil na @Macherieamour, sinagot nito ang tweet ni Eric John Salut tungkol sa pagmamaldita niya at pag-walked out sa taping ng Ikaw Lamang dahil hindi siya pinagbigyan na umalis ng 10pm dahil ang cut off ng shooting ay 2am.

Sinabi ni Eric na kababalik pa lang ni Cherie mula sa dalawang linggong pag-absent nito dahil sa stage musical play na ginagawa nito ay nagpapaalam na naman ng ura-urada.

Gayunman, dahil marahil sa napagtanto ng magaling na character actress na mali siya kaya mahinahon na siyang sumagot. “You have completely twisted the truth@ericjohnsalut. I rest my case. There’s nothing more to be said.”

***

RONNIE LAZARO, MAGALING NA AKTOR AT DIREKTOR

DAHIL sa matinding pangungumbinsi ng prodyuser at kaibigan ni Ronnie Lazaro na si Mr. Anthony Gedang, may-ari ng Artiste’ Entertainment Works International, Inc., napapayag ang magaling na aktor na magdirek ng pelikula. At sa kauna-unahang directorial job nito, si Irma Adlawan ang naging first choice niya sa pelikulang Edna.

“Edna as a film discusses the struggles and pains of overseas Filipino workers as chronicled by the life of Edna. The film is divided into three parts: (Edna’s arrival, discovery and resolve). The film paints a colored opening but it progresses in a monochromatic tone. This is to signify that hopeful beginnings don’t alway’s lead to beautiful endings. The film also illustrates the paradox embedded in the very idea of Filipino Diaspora. As the ultimate sacrifice of leaving the country to provide economic stability challenges the ties that bind family members rendering the foundation weak.”

Napanood namin ang rushes ng pelikula at talagang napahanga kami sa galing ng pagkakagawa nito, at mula sa bida na pinangungunahan ni Ronnie at Irma lahat ay magagaling umarte, ginamitan pa ito ng 3D camera at mga high-tech na kagamitan.

Sa ganda ng kuwento, direksyon at execution ng mga karakter, maaaring pumasok ito sa Cannes Festival. In fact, naipadala na nila ang kopya nito at natanggap na rin nila ang sagot. Ang tanging aabangan na lamang nila ay ang resulta kung ito ay official na nakapasok na sa festival. May imbistasyon din sa kanila ang Cinemalaya.

Kabilang din sina Kiko Matos, Nicco Manalo, Sue Prado, Frances Makil, Mara Marasigan at Micko Laurente sa proyektong ito.

***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!

The post Sarah bantay-sarado kay Madir sa birthday party ni Matteo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58530

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


WAKAWAK


Jewelry store sa SM Megamall hinoldap


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Ibong Adarna Script


KASERA


PAGBABATA


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTUTAN


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


ATSWETE


HALINGHING


PANGIMBULUHAN


BEMBANG


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>