MAY nahuli sa Batangas na nagnakaw ng tuyo, ipinarada sa publiko. Sabi ni Human Rights chief Eta Rosales, mali at hindi makatao. Papaano kaya kung hindi nahuli yung magnanakaw? Pabaya mga pulis?
Nahuli na si Delfin Lee ng Globe Asiatique na umubos sa pondo ng PAGIBIG na halagang P9 na bilyon.
Kailangan panagutan niya ito. Ngayon ilegal daw ang pagkahuli dahil inalis daw siya sa listahan ng wanted. O sige, kayo ang magbayad sa halagang iyan. Mga peste!
Wala na daw black sand mining sabi ng DENR. Ukinnayo! Isang lugar lang ba ang alam ninyo na pinagkukunan ng black sand sa bansa? Sabi din ng DENR, small time miners daw ang nasa Zambales. Sila small, kayo big time na?
Nakakaawa ang mga pulis natin na talaga naman tumutupad sa tungkulin. Katulad sa Quezon City Police District (QCPD) na halos lahat na yata ng uri ng kriminal ay nasakote nila. Ang masakit, nakakapagpiyansa. Kapag hindi nakakahuli, tanga sila? Hello fixcals and Judges.
Sabi ni PNP Chief Alan Purisima, tiwali daw ang mga naglilisensya sa PNP Firearms and Explosives Office (FEO) kaya ipinasara niya lahat at sentralisado na ang pagpapalisensya ng baril sa Camp Crame.
Ganyan ka ba mag-isip Gen. Purisima? Kung tiwali ang mga tao, sila ang palitan mo at huwag pahirapan ang PROGUN!
Bolero ang mga economic managers ni pangulong Noynoy Aquino sa pagsasabi na mataas ang ekonomiya ng bansa. Bakit marami ang nagugutom? Bakit dumadami ang mahihirap? Bakit walang mapasukan na trabaho? Administrasyon nga ba ngayon ng kasinungalingan?
Sa unang pagkakataon sabi ng Malacañang ay magkakaroon na daw ng kapayapaan sa Mindanao matapos nilang lagdaan ang Bangsamoro peace plan. Bakit patuloy ang giyera doon? Anong bandila ba ang iwawagayway ng MILF-Bangsamoro Mr. Aquino?
Sino ba at para saan ba ang imbestigasyon ng Senado sa pork barrel scam? Si Janet Napoles ba at mga kongresista ng Senado at House of Representatives o si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile?
Tuwing may hearing kasi, lalo na si Miriam Santiago, lahat na yata ng bansag-kahayupan ay pagdiin kay JPE.
Kung hindi mo kayang itama ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee senador TG Guingona, ipatigil mo na lang. Nakakahiya eh. Sa halip na tutukan ang kaso at isyu, basagan ng bayag ang ginagawa ng miyembro mo. Takot ka ba o sadyang walang ka rin bayag na lider?
Namputsang buhay ang ibinibigay sa atin ng mga politiko. Ang layo pa ng 2016, pormahan na! -30-
The post NAMPUTSANG BUHAY MERON TAYO appeared first on Remate.