HINDI naman kailangang maging isang rocket scientist para maintindihan natin na panggugulang ang ginagawa ng ilang kandidato ngayong halalan, lalo na iyong mga tumatakbo sa pagka-senador.
Gaya na lang halimbawa nang maya’t mayang campaign ad sa radio at telebisyon ng isang lady senatorial bet na ipinagyayabang ang mga nagawa raw na trabaho nang kanyang foundation.
May isa pang senatorial candidate na ibinibida ang mga nagawa ng tatay niya at siya, siyempre, iyon din daw ang susundan niyang yapak.
May isa namang senatoriable na iba ang gimik dahil ang buong istorya ng buhay niya ang ginamit na material sa isang episode ng isang long-running drama anthology sa TV.
Gusto niyang iparating ang mga paghihirap daw na pinagdaanan niya noong bata pa siya at sa kabila ng pagiging sikat ng kanyang mga magulang, gusto rin naman niyang makilala at magkaroon ng sariling pangalan.
May balita ako na isa pang senatorial bet ang nakatakdang gamitin din ang biography bilang material sa nasabi ring programa.
Huwag na nating pag-usapan ang napakalaking halaga ng perang itinatapon ng mga kandidatong ito at ng marami pang kagaya nila para makapanggulang lang sa mga kalaban.
Mas mabuti rito siguro ay suriin ng mga botante kung nararapat o hindi ang mga kandidatong ito sa ating mga boto.
Kung ngayon pa nga lamang ay handa na silang tawirin ang tinatawag na imaginary line of decency para lamang makalamang sa karera, paano pa kaya kung nanalo na sila?
Ano pa kaya ang hindi nila kayang gawin para lamang malamangan ang mga mamamayan na nagluklok sa kanila sa puwesto?
Kamakailan lang ay nabahiran ang imahe ng Senado dahil sa batuhan ng akusasyon at kontra-akusasyon ng mismong mga miyembro nito.
Sana naman ay gamitin natin itong darating na halalan na pagkakataon para iluklok ang mga totoong matitinong kandidato at higit sa lahat ay may delicadeza. In short, dugas ang operasyon. Ewan lang kung hindi talaga ito alam ng mga taga-Subic BOC at BIR pero iyan ngayon ang totoong nangyayari sa oil smuggling sa SBMA!