Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 59407

FREEDOM OF INFORMATION VS CYBER LIBEL NG KORAP

$
0
0

_benny antipordaMAY online o cyber libel na na pupuwedeng gamitin ng mga korap at mandarambong sa gobyerno para patahimikin ang taumbayan na maghayag ng kanilang mga nalalaman o paniniwala ukol sa gawa ng mga ito.

Pinayagan ng Supreme Court (SC) na makulong ang mga maglalabas ng mga balita ukol sa korapsyon at pandarambong sa pagsasabing naaayon sa Konstitusyon ang libelo na nilalaman ng Anti-Cybercrime Law.

May makukulong dahil karaniwang makapangyarihan ang mga nagsasampa ng demanda at takot sa kanila ang mga pulis, National Bureau of Investigation (NBI), piskal at huwes na hindi sumunod sa kanilang kagustuhan na masiperan ang bibig ng mga anti-korap at mandarambong.

Ilang beses na nating napatunayan ito sa mga kinasasangkutang kasong libelo ng ating mga kapatid sa propesyong pamamahayag.

FOI IBINABASURA

Tuwang-tuwa ang mga taga-Palasyo hanggang sa mga taga-Kongreso sa pagsasabi ng Hukuman na ligal ang cyber libel.

Tuwang-tuwa na may makukulong na mamamayan o mamamahayag sa pagbanat sa korapsyon at pandarambong.

Kahit pa may ebidensya ang mga ito sa paglalabas ng katotohanan sa kabulukan sa gobyerno. Pero lalo na kung walang makuhang ebidensya ang mga naghahayag ng katotohanan.

Walang makuhang ebidensya dahil hanggang ngayon ay walang interes ang Palasyo at Kongreso na ipasa ang Freedom of Information bill na inaamag na sa Kongreso.

GAMIT ANG FOI

Sana, kung batas na ang FOI, may buong karapatan ang mga mamamayan at mamamahayag na kumalkal sa lahat ng mga dokumento, bagay, pangyayari at iba pa na nilalambungan ng mga kabulukan sa pamahalaan.

At diyan malalaman ang mga nasasangkot sa mga iskam at ang mga pinagtatatakpang katotohanan ng mga pulis, piskal, huwes, taga-Palasyo at taga-Kongreso at iba pang mga makapangyarihang opisyal at tauhan ng pamahalaan ukol sa mga iskam.

Diyan din malalaman ang mga maniobra ng mga makapangyarihan sa pulisya, sa NBI, sa piskalya, sa Office of the Ombudsman, sa Sandiganbayan, sa mga ordinaryong hukuman, sa Court of Appeals, sa Supreme Court at iba pang tribunal upang ilibre ang kanilang mga sarili sa anomang pagkakasangkot at pananagutan.

Kasama sa mga sana’y malalaman ang mga salaping bayan na sangkot, ang mga salapi sa kailigalan, ang pang-aabuso sa kapangyarihan at iba pa. Makikilala rin ang mga taga-pamahalaan na sangkot at nasa likod maging ng mga masaker, pagpatay sa mediamen, torture,  pagdukot at pagkawala ng mga dinudukot o kini-kidnap.

FACT FINDING NG MAMAMAYAN

Kapag batas na kasi ang FOI, mga Bro, hindi na lang magdedepende ang mga mamamahayag at mamamayan sa mga pulis, piskal, huwes, taga-Palasyo, taga-Kongreso, taga-Ombudsman, taga-Sandiganbayan, taga-Court of Appeals at taga-Supreme Court sa pag-alam sa mga katotohanan sa kabulukan ng pamahalaan.

Tiyak na susulpot ang mga pribadong indibiduwal at organisasyon na mag-iimbestiga at maaaring maging katuwang o kalaban ng pamahalaan ukol sa mga katotohanan sa kabulukan sa harapan man ng mga mamamayan, sa media o sa mga hukuman.

Tatatag din ang media, kabilang na ang mga nasa online o internet, sa kanilang mga pagbabalita at pagsasaliksik na rin sa mga katotohanan sa korapsyon, pandarambong, pang-aabuso sa kapangyarihan, pagpatay ng mga nasa pamahalaan at iba pang mga krimen.

FOI HINARANG

Ito ang mga dahilan, mga Bro, kung bakit malamig pa sa yelo o ilong ng pusa ang mga taga-Palasyo at taga-Kamara at Senado na magpanukala, lalo na ang magpasa ng batas para sa Kalayaan sa Impormasyon.

Paniniwala ng mga makapangyarihan sa gobyerno, malilitson sila sa sarili nilang litsunan nang wala sa oras kung magkakaroon na ang mga mamamayan at mamamahayag ng mga kaalaman sa kanilang mga kalokohan lalo na kung isasampa na sa mga hukuman ang mga kasong mabubuo mula sa mga tiyak na kaalaman sa kabulukan sa bisa ng FOI.

Kaya todo harang ang mga ito sa pagpasa ng batas sa FOI.

SILA MUNA BAGO ANG IBA

Dahil sa takot sa katotohanan at malantad sa publiko sa sarili nilang mga kabulukan, wala nang ginawa ang mga tado sa pamahalaan kundi gumawa at mag-apruba ng mga batas na pabor sa kanila at hindi sa mga mamamayan at mamamahayag.

Hindi na nakuntento ang mga hinayupak, halimbawa, sa pagpapairal ng batas na libelo na itinatadhana ng Revised Penal Code.

Sa libelo rito, hagip ang mga naglalantad ng katotohanan sa kabulukan sa pahayagan, radyo at telebisyon. Sa internet o online, naririyan na nga ang cyber libel.

Naririyan pa ang isinusulong nilang ID system upang malaman nila ang lahat ng iyong tirahan at pagkatao matapos mong isiwalat ang kanilang mga kabulukan at doon ka nila ipahahabol ng kanilang mga mababangis na aso at pusa para ‘di ka makaliligtas at makatatakas sa kanilang pambibilanggo, pag-torture, pagpatay at iba pa.

MGA SAMPOL

Kabilang sa mga sampol na dapat na maisiwalat nang buo ang $30 milyong kikbak sa Inekon deal ukol sa suplay ng coaches sa MRT 3 expansion project, suhulan sa impeachment gamit ang Priority Development Assistance Fund at Disbursement Accelaration Program, malawak na iskam sa PDAF at DAP na kinasasangkutan ng daan-daang kongresman, halos lahat ng mga senador at maraming lokal na opisyal at iba pa.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post FREEDOM OF INFORMATION VS CYBER LIBEL NG KORAP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 59407

Trending Articles


Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


POKPOK AT ISETANN MALL


Suso ng 15-anyos nilamas ng 20-anyos


‘Kalye Demonyo’ sa Bulacan nilusob, 2 tulak lagas


Chop-chop suspect tinadtad ng bala sa selda


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Tata Selo


PAYABUNGIN


PINTUHO


KANTUTAN


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


4-anyos anak minolestiya ng tatay


Chinese tourists balot na balot vs nCoV


Pinagalitan ng magulang, 15-anyos nagbigti


LIBRENG EDUKASYON: SUSI SA KAPAYAPAAN AT KAUNLARAN


Tula Tungkol sa Bagyo


Mga kasabihan at paliwanag


IYOT


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>