HINDI tayo personal na naniniwala na tumatanggap ng “patong” mula sa iligal na sugal si SPD Director C/Supt. Jose Erwin T. Villacorte.
Pero paano niya ipaliliwanag ang pamamayagpag ng iligal na sugal sa kanyang nasasakupan?
Alangan namang isipin ko tuloy na inutil o tanga si general!
Hindi rin tayo naniniwala na nagbibigay kay Gen. Villacorte ng lingguhang “tara” ang mga gambling lord gaya ng jueteng/bookies king na sina Len Aguado at VK king Jojo!
Pero para kanino naman ang kinokolekta ni P02 William Cajayon?
Opps, ipinangangalandakan nga pala ni Cajayon na para ‘yun kay Pasay City Chief of Police Sr. Supt. Florencio Ortilla!
Sa totoo lang, parekoy, hindi natin iminumungkahi na sibakin na itong si Villacorte dahil sa lantaran at naglipanang iligal na sugal sa kanyang nasasakupan.
Pero alangan namang dahil sa konek o kaya ay katangahan ni General, eh, sina PNP Chief Alan Purisima at SILG Mar Roxas ang lumayas?
Sabagay, may mapipisil ka pa bang matino sa mga hinayupak?
Wala, as-in walaaaaaa! Lahat kayo lumayas na!
King-ina!
-o0o-
DAHIL sa kanyang mga ipinakita, naniniwala tayo, parekoy, na mahilig talaga sa “baliktaran” o 69 ang ating Pangulo.
Una, ayaw niyang gumamit ng wangwang para alisin daw sa lipunan ang “wangwang mentality.”
Pero mismong ang kanyang mga escort at security expert ang nagsasabi na isang malaking kalokohan na isalang sa panganib ang buhay ng ating Pangulo.
Dahil posibleng samantalahin ito ng mga terorista at patayin sa gitna ng kalsada o habang naiipit ng trapiko ang Pangulo ng bansa!
Kesyo ginagawa ito ni PNoy para magsilbing ehemplo. Tangna! Kung gusto ni PNoy maging huwaran, bakit hindi niya itigil ang paninigarilyo sa loob kanyang tanggapan?
Bakit hindi niya pangunahan ang pagpapatigil ng karahasan sa loob mismo ng Hacienda Luisita na pag-aari ng kanyang pamilya?
Noong isang araw naman, pumila pa talaga si PNoy sa loob ng LTO para maipakita raw na sumusunod siya sa batas sa pagrenew ng lisensya.
Langya namang mga paetseng na ‘yan!
Ang paggamit ng wangwang at hindi pagpila sa renewal ng lisensya ay mga pribilehiyo ‘yan, parekoy, ng Pangulo upang hindi malagay sa panganib ang buhay at hindi maabala ang napakahalagang oras ng isang Presidente!
Pero kung gusto talaga ni PNoy na maging huwaran, ganito muna ang dapat niyang gawin.
Itikom ang bibig para hindi makapagdaldal ng kung ano-ano laban sa ibang bansa!
At humingi ng dispensa sa Hong Kong! Peryud!
Reklamo? 09163902686.
The post VILLACORTE SWAK SA SUGAL AT PINOY MALING HUWARAN appeared first on Remate.