Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58548

VALENTINE’S DAY: KISSES, HOLDING HANDS BAWAL?

$
0
0

ILANG kembot lang, Valentine’s Day na.

Dito naaalaala ng ating UZI ang masasayang kwento sa pag-ibig.

Tatlong araw pa lang bago ang araw na ito ng mga puso, nagmamahal na ang mga bulaklak.

Nagdodoble, nagtitriple ang presyo hanggang sa biglang babagsak ang presyo matapos ang Valentine’s Day mismo.

Para sa mga kumukulo ang dugo kay Manay, dina-dive ng hubby o boypren o manliligaw ang mahal na bulaklak.

Mag-smile lang si Manay habang tinatanggap ang bulaklak, very happy na si Manoy at talo pa ang toro sa sigla.

PALASIMBA, PALASAMBA

May pananampalataya na ang pagpapakita ng public display of faith ay sa pamamagitan ng pagsisimba o pagsasamba.

Panahon naman ng public display of affection ang Valentine’s Day.

Kaya naman marami ang nagsisimba o nagsasamba.

At nagiging happy together ang mga gumagawa nito, lalo na ang mga nanliligaw o nagpapaligaw pa lamang na ang nililigawan o nagpapaligaw ay kumakabog din ang dibdib.

Eh ano kung magkakaiba ang kanilang dinadalang relihiyon o pananampalataya?

Love conquers all, ‘ika nga.

‘Yung iba pa nga, tinatawid ang mga dagat o kabundukan para lang makapiling nila kahit saglit sa simbahan o church ang kanilang sinisinta.

Itong pagsisimba at pagsasamba ay mahalaga sa kanila dahil dito rin makulay at makahulugan ang ending kung sakali.

‘Di ba mas gusto ng marami ang makasal sa simbahan o church sa basbas ng pari o pastor o imam kaysa kina mayor at judge?

Dahil nga sa paniniwala nila na ang pinagsama ng Diyos ay hindi pwedeng paghiwalayin ng tao.

…Kung walang umiiral na batas sa diborsyo, annulment at separation.

PA-PARTY

Ang dami rin ang nagdaraos ng mga party.

Sa eskwela, sa mga patio ng simbahan, sa mga barangay playground, sa mga restoran at marami pang iba.

Ang mga patakaran sa sounds na hanggang alas:10 o alas-12 ng gabi lang, wala iyon.

Pwera lang kung pawang mga sintunado na ang kumakanta at nakainom na ang mga ito.

Uso ang exchanging partners o exclusive partners sa mga sayawan.

Katakot-takot na beso-beso at holding hands ang nagaganap.

‘Yung iba, walwal dito, walwal doon.

Meron ding pa-mass wedding.

KAKAIBA SA LAHAT

Ang pinakakaiba sa lahat, punuan ang mga hotel at motel.

Kung gusto mong i-date si Manang o Manong sa mga lugar na ito, kailangan mong mag-online para sa reservation.

Kung hindi, pagdating mo roon, kailangan mong pumila at maghintay ng bakanteng kwarto.

‘Yung iba, napupurnada, kaya sa Luneta o sa Baywalk sa Manila at katulad ng mga ito sa mga lalawigan na lang nagpapalipas ng sweet moments ang mga tumitibok ang puso o kinakabog ang dibdib.

Makilos din ang mga motorsiklo, motorcycle taxi, taxi at FX na naghahatid o sumusundo.

Sa rami ng mga ito, ang mga magkakapitbahay na nagdi-date at mga tsuper ng mga motorcycle taxi, taxi at FX ay nagkakabulagaan.

Nagdededmahan na lang.

Kasunod na lang nito ang mga tsismis na laman ng mga barangay hanggang sa umabot ang mga tsismis sa ibang bansa na may mga apektadong overseas Filipino worker kahit walang katotohanan ang tsismis.

Pero marami naman talaga ang walang problema at gusto lang mabago at maging meaningful ang pagsasama.

Kung minsan, kasama ang mga pamilya.

NCOV NASA TABI-TABI

Ngayon naman, ang daming ipinagbabawal o tinatanggihan dahil sa pagdating ng virus na may corona, si Novel Corona Virus.

Unang ipinagbabawal ng mga may-ari ng mga punerarya ang pagtanggap ng kanilang mga tauhan sa mga namatay sa NCOV.

Bawal ang pagsundo sa bangkay, pagpapalamay at pagpapalibing.

Maging ang mga nag-aagawan ng mga naghihingalo pa lang sa ospital ay umiiwas o tumatanggi rin sa mga kasong dulot ng NCOV kahit may mga komisyon sila sa mga punerarya.

Ewan lang natin sa mga iskalawag na pulis na pinagkokomisyunan nang todo ang mga namatay sa mga kasong kriminal.

Bawal din ang mga pa-party, lalo na sa parte ng mga eskwelang sakop ng Department of Education.

Bawal na ring bumiyahe ang mga motorcycle taxi, taxi, FX at iba pang pang pampasaherong kung walang face mask ang mga tsuper at konduktor.

Bawal na rin ang walang sanitizer sa mga terminal ng mga pampublikong sasakyan.

May multa pang P5,000 ang sinomang tsuper na walang face mask.

Bawal na rin ang beso-beso at hugging sa pagitan ng mga pari, pastor at iba pa at holding hands kahit nagdarasal sila ng Ama Namin at naghahayag ng Peace Be With You.

VALENTINO, VALENTINA

Ang tanong ngayon: bawal din ba ang beso-beso, holding hands at hugs and kisses sa mga magba-Valentino at Valentina?

Mapupwersa ba silang magsuot ng face mask?

Kung bawal ang mga nasabing public display of affection at hindi pagsusuot ng face mask, may susunod o makikinig naman kaya?

Anak ng tokwa.

The post VALENTINE’S DAY: KISSES, HOLDING HANDS BAWAL? appeared first on REMATE ONLINE.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58548

Trending Articles


KANTUTAN


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


Hindi dinukot: Misis ng CamSur gov lumayas dahil sa sex video


Magkakamag-anak rinatrat, 1 patay


Long Mejia may sex scandal


Claudine Barretto, may pasarin sa IG post


Luha Ng Buwaya


Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino


PUNDASYON


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Ang Pananaw sa Kasaysayan ng Pilipinas ng mga Kapatiran at Kilusang...


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na


5 rice trader kinasuhan ng smuggling


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Katrina Dovey, payag maging sex worker ang jowa!


Ibong Adarna Script


KALAKAL


HINAING


SULASOK



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>