Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58141

PAGLINGKURAN ANG MGA OFW

$
0
0

baletodoSA huling ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas pa lalo ang padalang pera (remittances) ng mga manggagawang Filipino (OFW) mula sa ibayong dagat.

Mula sa US$1.918 bilyon noong nagdaang taon ay umabot ngayon sa US$2.063 bilyon na katumbas ng 75 porsiyento.

Taon-taon, pataas nang pataas ang kontribusyon ng OFWs. Maituturing na ang sektor nila ay isa sa mga matitibay na poste ng bansa sa usapin ng pambansang ekonomiya. Dahilan ito kung bakit sila na itinuring noon bilang mga Bagong Bayani – na buhay ng administrasyon ni yumaong Pangulong Cory Aquino.

Pero sabi nga, aanhin mo ang tawagin na bayani kung napapabayaan naman ng pamahalaan ang interes ng iyong buhay, kasama ang iyong pamilya sa oras ng pangangailangan? Kasama riyan ang kagipitan sa dinayuhan na bansa,  panloloko ng recruitment agencies, giyera, pagkakasakit, pagkakulong, lalo na kapag namatay sa ibang bansa.

Bago pa man umalis ang sinoman na OFW, nagbibigay biyaya na sila sa pamahalaan sa pagbabayad ng US$35 bago lumabas ng bansa. Ang pondo ay hinahawakan ng Overseas Workers Welfare Administration sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE). Kapag nakalabas na, nagsisimula na ang buwanan na remittances patungong pamilya at umiikot ang pera sa oras ng paggastos sa ekonomiya.

Sa ganyang anyo, tumatatag
ang ekonomiya ng bansa. Ang tanong, ano naman ang sukli ng gobyerno sa ating mga OFW?

Sila ay nagbabayad din ng PhilHealth at SSS. Iyan ay sa panahon ng kanilang paggawa. Papaano kapag nagkasakit at mapauwi sila sa atin? May maaasahan ba ang OFWs mula sa pamahalaan? Kadalasan, ang sagot ay wala. Papaano ‘yung kanilang mga naunang kontribusyon matapos maging OFW? Wala na po!

Ito ang masakit. Halimbawa ay ilan sa OFWs natin ay umuwi kamakailan dahil nabiktima-nawala-namatay ang kanilang pamilya nang dumaluyong sa Eastern Visayas si Typhoon Yolanda. Ang nakausap natin ay mga matagal na hindi umuwi sa atin at sa Saudi na nagbago ng kontrata.

Nang makauwi, wala na ang miyembro ng kanilang pamilya. Lumapit sila sa DOLE-OWWA para humingi ng tulong. Iisa ang sagot sa kanila. Hindi na sila miyembro ng OWWA dahil nagtagal sila sa bansa na dinayo at doon naproseso ang contract renewal. Ibig daw sabihin ng OWWA, hindi na sila nagbayad ng US$35!?!

Kung totoo ang sumbong ng OFWs sa BALETODO, katarantaduhan ito ng DOLE-OWWA! At kung ganyan nga, dapat lang na baguhin ang batas na Migrant Workers Act of 1996.
Sobra-sobra ang kanilang remittances at sapat nang ituring bilang unending contribution nila. Kung natigil na rin sila, dapat pa rin na patuloy na PAGLINGKURAN ang OFWs ng sinomang namamahala sa gobyerno!

The post PAGLINGKURAN ANG MGA OFW appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58141

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>