NAPAIYAK daw sa tuwa si Anne Curtis ng siya ang napiling gaganap sa klasik na Dyesebel ni Mars Ravelo at anong tuwa rin ng kanyang mga followers specially ang mga mhin na mahilig sa mga sexy stars. Inaabangan nila ang costume ni Anne na wala raw pang itaas at mahabang buhok lamang ang tatakip sa kanyang dibdib. Noong araw nang si Alice Dixon ang Dyesebel, kitang-kita ang malusog na didbdib nito habang ito ay sumisisid. Payag naman kaya si Anne na mag-topless at hindi na siya magtatakip ng ka- bebeng plastic sa boobs nito?
Pangarap pala ni Anne Curtis ang gumanap na Dyesebel at ngayong nagkaroon na ng katuparan, sana’y huwag ng maungkat ang iskandalong nangyari noong mga nakaraang buwan at nakahingi naman siya ng sorry sa mga taong kanyang nasagasaan kaya laking pasasalamat niya na marami pa ring sa kanya’y sumusuporta.
Balitang meron din siyang gagawing pelikula ngayong taon na ito at natanong si Anne kung papayag daw ba siya na si John Lloyd Cruz ang kanyang magiging partner sa movie? Oo nga raw payag siyang maging kapareha si Loydie at okay naman daw silang dalawa pero hindi raw niya alam na meron nga silang gagawing pelikula. Sana nga meron. Tiyak na matutuwa ang mga fans ni John Lloyd na kung ilang buwang hindi napanonood sa malaking telon.
Siya nga pala, si Gerald Anderson ang gaganap na Fredo na ginampanan ni Jaime dela Rosa sa original na Dyesebel ni Edna Luna. Makakasam rin nila sina Zsa Zsa Padilla, ang kanyang ex-boyfriend na si Sam Milby, Gabby Concepcion at Ai Ai delas Alas na gaganap na Banak.
Isang mestisong Iranian ang nakatawag sa amin ng pansin sa kanyang mga pictorials. Tall hunky and handsome. Siya ay si Alvin Nakassi Duckert. Dati siyang pasupport-support lang sa mga bida ng mga Indie movies na gawa ni direk Neal Buboy Tan hanggang siya ay mabigyan ng pagkakataon na maging bida na sa Foursome. At mula noon ay nagkasunud-sunod na ang kanyang pagbibida sa mga Indie Films at ang latest niyang movie na ipalalabas ngayong buwan ng Enero ay ang Ghost Lover.
Bukod sa pagiging artista, isa rin siyang ramp model at lumalabas rin sa theater mga musical plays.
Gusto ni Alvin na maging versatile actor maging drama, musical, comedy, action, bold ay kaya niyang gampanan. Wala raw itong kabang maghubad sa pelikula at makipaghalikan sa kapwa lalaki?
Ngiti lang ang kanyang isinagot sa amin. Abangan natin ang bagong Indie Film actor na ito tiyak na maraming magkakagusto sa kanya maging babae man o binabae. Wanna bet?
The post Anne Curtis super iyak nang mapili para mag-Dyesebel appeared first on Remate.