Manila, Philippines – Pumalo na sa higit 160,000 dengue cases ang naitatala ng Department of Health (DOH) mula Enero 1, kung saan 661 rito na ang namatay dahil sa naturang sakit.
Mas mataas ito ng 98% kaso kumpara sa naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.
Ito na ang pinakaataas na bilang ng kaso ng dengue sa loob ng 5 taon, ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo.
“This is the highest in the last five years. This is also 98 percent higher than the cases during the same period in 2018. That’s why this is the first time that we declared a national dengue epidemic,” paliwanag pa ni Domingo.
Sa bilang na ito, 12,880 kaso ng dengue ang naitala sa 6 na araw lang mula Hulyo 21-27.
Pinakamaraming naitalang kaso sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Western Mindanao, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao and Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Inaasahan naman ng DOH na lalo pang darami ang mga taong dadapuan ng dengue dahil ang peak season ng dengue ay ngayong Agosto pa lamang.
Maaari rin aniyang magpatuloy pa ito hanggang sa Oktubre at Nobyembre at tuluyan na lamang bababa pagsapit ng Disyembre.
“The peak of dengue starts in August and this will go on in September, October and November. It will start to decrease in December,” ayon kay Domingo .
Kasabay nito, nabatid na nakipag-ugnayan na ang DOH sa Department of Education (DepEd) upang payagan ang mga estudyante na magsuot ng pantalon para ma protektahan laban sa lamok. Macs Borja
The post 160K kaso ng Dengue, 661 patay appeared first on REMATE ONLINE.