Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58305

Chairwoman niratrat ng tandem

$
0
0

Manila, Philippines – Patay ang isang barangay chairwoman nang pagbabarilin ng riding in tandem sa tapat mismo ng Barangay hall sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Aileen Guitodong, 47 , may-asawa, Chairwoman ng  Barangay 314 Zone 31 District 3 at residemte ng Tomas Mapua St., Sta Cruz, Manila.

Nangyari sa tapat ng barangay hall ang pamamaril ng dalawang hindi pa nakilalang lalaking suspek na sakay ng motorsiklo at nakasuot ng face mask, helmet at jacket na mabilis na tumakas naman matapos ang insidente.

Dalawang tama sa katawan at ulo ang tinamo ng biktima mula sa kalibre 45.

Ayon naman kay Maricel Rubio, sekretarya ng biktima na kasalukuyan silang nagkukuwentuhan nang dumating ang riding in tandem.

Bumaba ang angkas at naglakad patungo sa brgy.hall saka pinagbabaril si Guitodong saka mabilis tumakas patungo sa direksyon ng Lope De Vega St.,Rizal Avenue .

Naisugod pa sa ospital ang punong barangay ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Chairwoman niratrat ng tandem appeared first on REMATE ONLINE.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58305

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>