Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58296

Crew ng barge lumutang sa isla ng boracay

$
0
0

Aklan – Nagpapalutang-lutang nang matagpuan ang isang crew ng barge na nawawala pa noong araw ng Martes sa kasagsagan ng bagyong Hannah, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Aklan.

Kinilala ang biktimang si Ronaldo Tolenero, 52 angyos, residente ng Brgy. Dumatad, Tangalan, Aklan at crew ng LCM Divine Providence II.

Batay sa report ng Philippine Coast Guard (PCG)-Aklan, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima na nakalutang sa Cagban Port sakop ng isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Una rito, naiulat na nawawala ang biktima simula pa noong Martes habang naglalayag ang naturangbarge papuntang Manocmanoc port sa nasabing isla.

Napansin na lamang ng kanyang kasamahan ang biktima na nawawala at paniniwalaan nahulog ito mula sa barge dahil sa lakas ng alon ng dala ng malakas na hangin ng bagyong Hannah.

Kaagad naman humingi ng tulong sa mga awtoridad at PCG ang mga kasamahan ng biktima pero bigo silang makita agad ito hanggang sa nitong umaga (Sabado), lumutang ang bangkay ni Tolenero.

Dinala naman sa punerarya ng ang labi ng biktima sa Brgy. Caticlan, Malay Aklan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. Mary Anne Sapico

The post Crew ng barge lumutang sa isla ng boracay appeared first on REMATE ONLINE.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58296

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>