Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

MAY DENGVAXIA NA WALANG DENGUE, NASAAN SILA?

$
0
0

NAGKAKAGULO ngayon sa Department of Health dahil sa national epidemic sanhi ng Dengvaxia.

Pinahahanap ngayon ng DOH sa lahat ng sangay ng ahensya ang mga naturukan ng bakunang Dengvaxia ngunit hindi nagkasakit ng dengue.

Ito’y para mabantayan ang kanilang kalagayan, nasa loob man sila ng ospital o nasa labas.

Pero siyempre, sa mga kinakapitan ngayon ng dengue sila maghahanap.

Ito kasing mga naturukan nang hindi muna nagkasakit ng dengue ang sinasabing matindi ang kalagayan kung magka-dengue sila.

Maaari silang mamamatay dahil mas matinding dengue ang aabutin nila kung naturukan sila noon.

Inamin na kasi ang kalagayang ito mismo ng Sanofi Pasteur na may gawa ng nasabing bakuna.

MALAKING PROBLEMA

May napakalaki nga lang na problema.

Una, napakalaking bilang ang 830,000 na nabakunahan at marami sa mga ito ang lumipat na ng mga tirahan.

Ikalawa, marami palang eskwelahan ang walang rekord dahil tangay-tangay ng mga nag-iniksyon ang mga rekord ng mga ininiksyunan.

Ikatlo, dapat na hanapin pa ang mga tumangay ng mga rekord.

Ikatlo, hindi lang pala ang mga bata sa mga iskul ang ininiksyunan dahil marami ring mga taga-komunidad ang binakuhanan.

Nagkaroon ng maramihan, malawakan at paspasang pagbabakuna dahil ginamit ito na pang-akit ng boto para sa mga kandidato nina Noynoy noong presidential elections 2016.

At narito nga ngayon ang napakalaking problema.

MARAMING AYAW

Marami pala sa mga itinatakbo sa ospital ang naturukan ng Dengvaxia.

Lumabas ito sa mga pahayag ng mga magulang na may mga tinamaan ng dengue na anak at nasa mga ospital.

Kung sila’y tinatanong, sabi nila, kahit ano ang mangyari, hindi nila hahayaang maturukan muli ng Dengvaxia ang kanilang mga anak dahil nagkasakit pa rin ang mga ito ng dengue.

Lumitaw ang katanungan sa gitna ng pagpipilit ng isang kongresman at naging Health Secretary na ibalik ang Dengvaxia para masawata umano ang epidemya ng dengue sa buong bansa.

Anak ng tokwa, ayaw na nga ng mga magulang na maturukan ang kanilang mga anak ng Dengvaxia, ipinipilit pa ng kongresman na ito.

Dahil ba sa kasama si Kong sa mga nakademanda ng mga kasong kriminal dahil sa pagkamatay umano sa Dengvaxia ng maraming bata?

At kung papayag ang gobyerno na gamitin ang Dengvaxia, maaabswelto na sila sa mga kasong may parusang kulong at danyos perwisyo?

HANAPIN SA 622 NAMATAY

Naiintindihan natin ang punto ng DOH na hanapin nila ang lahat ng buhay na naturukan ng Dengvaxia, may dengue man o wala, para mabantayan ang mga ito .

Ito’y para maagapan ang anomang masamang mangyari kung magka-dengue sila at ang iba, para hindi sila makapitan ng dengue.

Pero dapat ding bigyan ng pansin ang mga nangagsimatay.

Sino-sino sa 622 namatay ang naturukan ng Dengvaxia nang hindi pa nagkakasakit noon pero namatay ngayon?

 Dito magiging malaki ang trabaho nina Public Attorney’s Office chief Persida Acosta at mga kasamahan niya.

Panawagan natin sa mga namatayan, pwede nilang ipasuri kina Atty. Acosta ang mga namatay nila para malaman kung namatay ang mga ito sa mga epekto ng Dengvaxia sa mga hindi nagka-dengue ngunit naturukan.

Ito’y para mapanagot sina ex-President Noynoy Aquino, dating DOH chief at ngayo’y Kong. Janette Garin,  dating Budget Secretary Butch Abad sa kamatayan ng maraming tao dahil sa Dengvaxia.

HINDI GUILTY

Ang sabi, hindi pa dapat sabihing guilty sina Noynoy and company.

At totoo namang itinuturing na inosente ang isang akusado hangga’t hindi napatutunayang guilty ng mga hukuman, lalo na ang Korte Suprema.

Pero maganda na ring masalang ang mga ito sa kaso dahil hindi lang naman ang kamatayan ang laman ng mga kaso kundi ang pagmaniobra nila para mapondohan ng P3.5 bilyon ang gamot sa mga kuwestiyonableng paraan. 

Hayaan ang mga korte na magdaos ng mga paglilitis upang malaman kung ano talaga ang mga katotohanan at wala nang uulit sakaling may madedeklarang guilty sa mga kaso.

Kung mapawalang-sala naman sila sa mga akusasyon, wala tayong magagawa kundi sumunod sa desisyon dahil ang importante, daraan sila sa masusing paglilitis ng hukuman.

MAGLINIS, DUMEPENSA

Depensahan natin ang ating mga sarili sa pag-atake ng mga lamok na may dengue.

Hindi natin kailangang magpainiksyon ng Dengvaxia.

Kabilang sa mga epektibong paraan laban sa dengue ang paglilinis sa loob at labas ng bahay para mawala ang mga katubigan na itlugan at lunsaran ng mga lamok para umatake.

Magpatsekap agad sa doktor kung may nararamdaman tayong lagnat at iba pa at sumali sa mga pagpapausok laban sa lamok.

Magsuot ng mahahabang damit, magkulambo  at maghaplos ng anomang ayaw na kapitan ng lamok.

The post MAY DENGVAXIA NA WALANG DENGUE, NASAAN SILA? appeared first on REMATE ONLINE.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58323

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>