Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58314

8chan creator nakipagtulungan na sa PNP anti-cybercrime

$
0
0

Manila, Philippines – Nakipagtulungan na ang creator ng website na 8chan sa imbestigasyon matapos na magpunta ito sa tanggapan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group Biyernes ng umaga.

Ang 8chan ay isang website na ginagamit bilang isang message board sa pag-aanunsyo ng mass shooting sa Amerika,

Kinilala ang 8chan founder na si Fredrick Brennan, na nakatira na sa Pilipinas mula pa noong 2014 para sa mas murang medical care, ay pumunta sa tanggapan ng PNP-CIDG kasama ang kanyang abugado para makipagtulungan sa imbestigasyon ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac. 

“Mr. Brennan expressed his willingness to cooperate in the PNP probe. Investigation is still ongoing and updates will be made once we get substantial results,” ani Banac.

Noong nakaraang taon ay naibenta ni Brennan ang 8chan kay Jim Watkins, isang US Army veteran na nasa Pilipinas na rin mula pa noong 2004 ayon sa ulat ng Splinter News.

Pinaniniwalaan ng mga otoridad na nagpost sa website tungkol sa “Hispanic invasion” ang gunman sa El Paso Mass Shooting na ikinamatay ng 22 katao.

Nagamit rin umano ang seite ng isa pang shooter na umatake naman sa 2 mosque sa Christchurch, New Zealand na ikinamatay ng 51 katao.

Sinabi naman ni Brennan sa Agence France-Presse sa isang interview sa Manila na pinagsisisihan niya ang paggawa sa website.

“Is it a cesspool for hate? The site is really big but yes, there is definitely a cohort on the site that’s extremely hateful and that is very happy whenever these shootings happen,” ani Brennan. 

“I should have shut it down when I had the chance.” Remate News Team

The post 8chan creator nakipagtulungan na sa PNP anti-cybercrime appeared first on REMATE ONLINE.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58314

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>