Manila, Philippines – Nilinaw ni PCSO Director Sandra Cam na wala siyang sinabi sa isang interview na may mga kaibigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nagre-remit sa Small Town Lottery Operations.
Ang paglilinaw ay sinabi ni Cam sa harap na rin ng lumabas na report na may sinabi umano siya na marami sa hindi nagreremit sa STL ay kaibigan ng Pangulo at nang hingan ng reaksyon si Presidential Spokesperson Salvador ng media ukol dito ay sumagot naman ito na dapat kasuhan ni Cam ang mga ito kung kilala niya.
“I never said that close friends of the President were behind the STL operations and that they are the ones not remitting to the PCSO. Mali ang pagkakaintindi ni Secretary Panelo sa aking naging interview sa DZMM.
Una nang lumabas sa ABS-CBN website ang artikulong “Some Duterte ‘friends’ don’t remit STL collections to gov’t: Sandra Cam’ na base sa panayam kay Cam ng DZMM, giit nito, nang sabihin niya ang ‘friends’ ay patukoy ito kina PCSO Chairman Jorge Corpuz at dating PCSO General Manager Alexander Balutan, na pawang malapit kay Pangulong Duterte na kapwa pa niya itinalaga sa mataas na posisyon sa PCSO subalit nasasangkot sa korupsyon.
“Patukoy kina Balutan at Corpuz ang sinabi kong kaibigan kaya naman sa naging pahayag sa akin ng DZMM ay nabanggit ko pa na “naaawa po ako kay Pangulong Duterte kasi ang kaniyang drive ay anti-corruption. Sana kaming malalapit sa kanya na inilagay n’ya d’yan, mag-toe the line sana. Hindi iyung gagamitin na taga-Davao sila, kaibigan kami.”
Ani Cam nagiging maingat siya sa mga panayam sa kanya ng media dahil ayaw niyang ma-misquote ito sa kanyang mga pahayag lalo pa at ongoing ang imbestigasyon ng Presidential Anti Crime Commission(PACC) at may nalalapit pang Senate at House inquiry na mag iimbestiga din sa korupsyon sa PCSO.
Una nang sinabi ni Cam na handa nyang sabihin ang mga nalalaman nitong katiwalian sa PCSO, na nagsimula pa sa dating administrasyon, ngunit sa tamang panahon dahil ayaw nyang pangunahan ang Malacanang. Gail Mendoza
The post Wala akong sinabing may mga kaibigan si P-Duterte na hindi nagre-remit sa STL- Cam appeared first on REMATE ONLINE.