Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58095

Topak

$
0
0

HINDI lang lalaki ang madalas na tinotopak, kaya malas lang ninuman kapag ang napiling karelasyon ay isa sa  mga taong sobra ang topak sa katawan.

At para hindi maging pasakit sa inyo girls kapag tinopak ang iyong BF o sino pa mang karelasyon,  narito ang ilang paraan upang maibalik ang kanilang dating sigla at saya.

MAKINIG, MAKINIG AT MAKINIG–––Kapag naramdaman n’yo girls na may topak o hindi nagkikikibo ang inyong karelasyon, iwasang sila ay kulitin. Mainam kung tanungin sila kung may problema ba at may maitutulong ba kayo. At dahil totoo rin namang mas nais minsan ng kalalakihan na sarilinin na lang ang problema, maaaring sabihin sa kanila na “Alam kong wala ka sa mood, pero nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap.”  Minsan kasi, madaling makausap nang masinsinan ang sinumang lalaki kapag idinaan n’yo girls sa drama.

BIGYAN SILA NG ESPASYO––– Alam ng lahat na mas ma-pride ang kalalakihan kaysa sa kababaihan. Kaya girls, kung ayaw mang mag-open sa inyo ng lalaki, mainam na iwanan muna sila o bigyan ng espasyo upang makapag-isip-isip ng mahusay. Tandaang kapag wala nang topak ang mga iyan, babalik at makikipag-usap ‘yan sa inyo na para bang walang nangyari.

HINGIN ANG KANILANG TULONG–––Minsan ang isa sa nagpapa-depress sa kalalakihan ay kapag nararamdaman nilang wala silang silbi. Minsan, nakararamdam din sila ng kamiserablehan kapag may trouble sa trabaho, natalo sa pakikipaglaro ng basketball o kaya naman ay tungkol sa kanilang pisikal na kaanyuan. Para maibalik ang kanilang sigla, mainam kung hingin ang kanilang tulong na para bang nagsasabing hindi n’yo magagawa ang mga iyon kung wala sila. Dahil kapag nakaramdam ang mga lalaki na may halaga pala sila kahit sa inyo lang, tiyak na lalakas ang kanilang loob at the same time ay mapapamahal pa kayo sa kanila.

AYAIN SILANG MAGPAPAWIS–– Minsan kahit masama pa ang loob ng isang lalaki, iba ang namumutawi sa kanilang bibig. Na kesyo okay lang sila o kaya naman ay huwag silang alalahanin. Kaya upang matulungan silang ilabas ang kanilang sama ng loob, ayain silang magpapawis tulad ng pagdya-jogging, pagluluto o kaya ay gumawa ng mga bagay na mapagbubuntunan nila ng galit o sama ng loob.

The post Topak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58095

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>