LALO pang lumakas ang bagyong Maring sa nakalipas na magdamag na nagdulot ng malaking baha sa Metro Manila at karatig pook.
Taglay na nito ang hangin na 95 kilometro kada oras at pagbugsong 120 kilometro bawat oras.
Namataan ang sentro nito sa layong 600 kilometro sa silangan ng Itbayat, Batanes (20.5°N, 128.4°E).
Kumikilos na ito nang pahilaga sa bilis na 11 kilometro bawat oras.
Dahil dito, mas makakahatak ng kaulapan ang bagyo at lalong titindi ang epekto ng habagat.
Wala namang storm signal na ipinalabas sa alinmang lugar sa ating bansa.
Kaugnay nito, muli na namang nilubog ng tubig-baha ang malaking bahagi ng Metro Manila dulot pa rin ng malakas na buhos ng ulan dala ng habagat na pinag-ibayo ng bagyong Maring.
Nagkataon pa na mas mataas ang high tide simula kaninang madaling araw kumpara kahapon.
Batay sa ulat mas mataas ang baha at mas maraming lugar ang lubog sa tubig-baha sa maraming lugar sa Metro Manila.
The post Bagyong Maring, lalo pang lumakas appeared first on Remate.