DALAWA ang sugatan sa pagkarambola ng tatlong sasakyan sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City nitong Sabado ng gabi (Hulyo 27).
Isa sa mga nasugatan ay isang taxi driver na hindi nakuha ang pangalan habang ang dalawa pa ay nagtamo lamang ng galos at pasa sa katawan.
Sa ulat, naganap ang insidente bago maghating gabi sa northbound ng EDSA Cubao Farmers tunnel sa Q.C..
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang sangkot na sasakyan sa karambola ay isang taxi, sport utility vehicle at isang kotse.
Dahil sa kolisyon, nabara ang EDSA northbound, dagdag pa ng MMDA.
Gayunman, sinabi ng MMDA na natanggal na ang nakahambalang na mga sasakyan dakong 1:08 a.m.
The post 3 sasakyan nagkarambola, 2 sugatan appeared first on Remate.