KASAMA ang Child Wonder na si Ryzza Mae Dizon sa listahan ng Yes! Magazine ng kanilang 100 Most Beautiful Stars of 2013-bagay na pabirong sabi niyang hindi niya mapaniwalaan.
“Hindi ko po alam kung bakit nila ako napili, eh. Puwede pa nga pong magbago ang isip nila. Beautiful po pala ako,” saad ng host ng top-rating talk-show na The Ryzza Mae Show.
Dagdag pa niyang, “Maganda po ang bangs ko, ganda po ng leeg ko, ‘di ba?”
Panibagong karangalan itong natanggap ni Ryzza, after niyang makopo ang tropeo bilang Best Child Star sa nakaraang OMG! Yahoo Awards, kung saan ang nakuha niyang mga boto ay higit pa sa combined votes ng lahat ng mga nominado sa nasabing kategorya.
Malapit nang mapanood sa big screen ang movie debut ng Child Wonder na si Ryzza Mae dahil kasama siya nina Bossing Vic Sotto at Kris Aquino sa kanilang MMFF entry. Magbabatuhan sila ng kwelang kakulitan ni Bimby Yap, na may screen debut rin sa pelikula.
***
AYON kay Andrea Torres, maraming aabangan ang mga viewer na twist sa kuwento ng kanilang morning teleserye na With A Smile. Magpapa-kumplikado ng relasyon ng karakter niya at ni Christian Bautista ang pagkakasama sa cast ni Max Collins, na pagseselosan niya.
Purely professional lang daw ang samahan nila ng leading man niya sa teleserye na si Christian Bautista at itinanggi ng dalaga na siya ang third party sa hiwalayan ng singer/actor sa ngayo’y ex-girlfriend niyang si Carla Dunareanu.
“Sa totoo lang, hindi ko nga po alam na break na sila. Wala po talaga kaming romantic invol- vement, or something. Pag nag-uusap naman kami, hindi namin napag-uusapan ang lovelife niya,” pahayag ng magandang Kapuso actress.
Masaya si Andrea dahil tumataas ang viewership share ng morning teleserye na With A Smile.
***
PARA sa bida ng The Jonas Burgos Story na si Rocco Nacino, si Lovi Poe na ang pinakamagandang babae sa balat ng mundo.
“Yes, she is the one. She’s sexy, she’s beautiful, you see gorgeous in her. Para sa akin, isa siya sa mga pinagmamalaki ng GMA,” bulalas ng paghanga ng aktor.
Kumusta na ba ang relasyon niya ngayon kay Lovi, na leading lady niya sa upcoming Kapuso teleserye na Akin Pa Rin Ang Bukas?
“Kung ano kami dati, ganu’n pa rin, eh. Walang moving up, walang moving down. But one thing is for sure, nag-eenjoy kaming dalawa,” aniya.
After months of shooting ay magkakaroon na ng premiere ang The Jonas Burgos Story at ito ang magiging closing film sa Cinemalaya Film Festival sa CCP this August 3. Isa sa mga highlight ng pelikula ang pag-torture kay Rocco bilang Jonas Burgos na hubo’t hubad.
***
HINDI na itinatago sa madlang pipol nina Julia Barretto at Julian Estrada ang kanilang matamis na pagtitinginan at lagi nga silang nakikitang magkasama gaya ng nakuha nating picture sa Facebook.
Bagay naman ang bida sa Petrang Paminta ng Kapamilya Network at ang binata nina Senator Jinggoy at Ma’m Precy. Puwede nga silang maging magka-loveteam kung tuluyan nang papasukin ni Julian ang mundo ng showbiz. Sana lang ay huwag mapabayaan ni Julia ang career dahil isa siya sa mga promising teen actresses ng ABS-CBN.
The post Ryzza Mae Dizon, hindi makapaniwalang maganda siya! appeared first on Remate.