Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58150

Hindi disappointing panoorin!

$
0
0

KAHIT isang linggo na ang nakakaraan, ang diva that you love, hindi makakailang super impressed sa katatapos na Oscars.

90 years old na ang nasabing parangal at yes, hindi pa rin siya disappointing panoorin.

Ang biggest and most minor stars sa Hollywood, dressed to the nines sa kanilang pagdalo. Hindi ko na iisa-isahin pa dear Remate readers ang mga nanalo, dapat alam niyo na.

Siempre, may kaunting kungkot na hindi si Timothee Chalamet ang itinanghal na best actor. Mas pumasa sa pihikang panasa ng mga taga-Oscars ang sobrang true to life portrayal ni Gary Oldman bilang Winston Churchill sa Darkest Hours.

Keribels na ra rin, mukha naman siyang anghel in his all white Berluti suit and pants ensemble at sa red carpet photo kung saan kasama niya si Armie Hammer in his Giorgio Armani number, both of them, the actors who played Elio and Oliver sa Call Me By Your Name, slayed the red carpet.

Sa mga babae, best dresses for me eh yung Michael Korrs salmon pink gown ni Viola Davis, cerulean gown ni Nicole Kidman na likha ni Giorgio Armani, may malaking ribbon sa harap.

Yung black and gold number ni Lupita Nyong’o na Atelier Versace, ang brown off shoulder number ni Zendaya na gawa ni Giambattista Valli Haute Couture, si Allison Janney na winningest best supporting actress this season in a Reem Acra, si Jennifer Garner na naka-Atelier Versace rin, the Meryl Streep na most age-appropriate ang suot in Dior Haute Couture at siempre pa, the Ms. Rita Moreno na suot muli ang skirt from her 1962 gown na likha ni the late, great Pitoy Moreno.

Ang pagsuot muli ni Moreno sa vintage gown ni Pitoy ay testament na ang classic design, never goes out of style.

Ang pinaka-nakakabaliw na suot nung Oscar night, ang outfit ni Frances Mc Dormand, naturingang best actress ang hitad parang katya lang ang suot, no make up-make up ang drama at ang buhok, parang hindi man lang pina-style. Para ring sinapian ang hitad, pinatayo lahat ng mga babae sa venue para i-celebrate ang women empowerment.

Hindi ko rin maarok ang gown na suot ni Salma Hayek, parang di siya dadalo sa Oscar, parang pang-fiesta ang suot niyang tila binaliktad na chandelier na di ko mapaniwalaang custom Gucci ang may yari.

Echoing the bold star of the 70’s vibe ang paandar ni Taraji P. Hanson na si Vera Wang pala ang may gawa. Ang African-American actress, gusto sigurong patunayan na hindi olive-tone ang singit niya, huh!

Bonggang-bongga ang Oscar stage. Panalo ang design at changes. May budget talaga sila.
Kabogera rin ang mga Mehikano, may moment sila kasi nga win ang Disney-Pixar’s Coco bilang best animated feature.

Ang Pilipinas nating mahal, kailan kaya mangyayari ang ating suntok na buwan Oscar Foreign Film nomination or an actor or actress na Filipino o may dugong Filipino na mag-uuwi sa tropeo?

Asa pa ba talaga ako?

***

Speaking of wins, sa 38th Oporto International Film Festival na nangyari sa Portugal, si Ian Veneracion wagi bilang best actor para sa Ilawod na idinirehe ni Dan Villegas at ang Bhoy Intsik, Special Jury Prize in the festival’s Orient Express section.

Si Raymond Francisco, ang bida sa Bhoy Instik, ang pahayag sa Facebook, ” To God be the Glory.

Thank you, Joel Lamangan for directing me in this wonderful film…Can’t wait to do another one with you.”

Ang eklusibong pahayag naman ni Ian Veneracion, na ipinadala niya bilang personal mensahe sa diva that you love, “I’m very happy to have been accorded such honor, especially knowing that the award given was based purely on the work submitted. In a way, it’s also a win for everyone who continue to work so hard in order to showcase Philippine cinema overseas.”

Sabi pa ni Veneracion, “To everyone who formed part of the filmmaking process of Ilawod, thank you. To my manager and good friend, thank you. To my wife and my children who give me love, support and understanding so I can continue to pursue my artistic passions and improve my craft, thank you.”

Pagtatapos ni Ian na ang katauhang si Dennis ang siyang dahilan kaya sa nagwagi,”It’s my first win. And the first is always priceless.”

Sa nasabing international film festival, dumalo sina direk Joel Lamangan, RS at direk Dan Villegas.
Let us all keep our fingers crossed na kung nanalo tayo sa Cannes, Venice, Berlinale at iba pang international film festival, sooner than soon, maiuuwi rin nating ang sobrang ilap at nagsusupladong Oscar trophy.

Ang tanong, paano nga kaya? Hindi dapat palupig ang ating pag-asa, sooner than soon, a Filipino film will bring home Uncle Oscar. AS IF/ALWIN IGNACIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58150

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>