Quantcast
Channel: Remate Online
Viewing all articles
Browse latest Browse all 58177

Gov’t Satellite Network, limitado lang sa mga barangay hall

$
0
0

LIMITADO lang  sa mga barangay halls ang iro-rollout na Government Satellite Network o GSN na planong ipatupad ngayon taon.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar na hindi nakikipag-kompetensiya ang pamahalaan sa mga private network at private sector dahil binibigyan lamang ng information network ang mga Local Government Units at sa mga ahensiya na nasa ilalim ng Executive branch ng gobyerno.

Aniya, hindi lang receiver ng impormasyon ang government satellite receivers kundi puwede na ding mag-deliver ng news ang mga LGU sa pamamagitan ng internet signal na dadaan sa satellite at babagsak sa pagpapadalhan.

Ipinaalala ni Sec. Andanar na mahalaga ang satellite technology partikular sa mga lugar na prone sa mga bagyo na dahilan ng pagbagsak ng mga poste ng kuryente kasama ng mga kawad ng komunikasyon at maging ng mga cell sites.

Maaari rin aniya itong itago habang bumabagyo pero maaaring ibalik ng mga barangay chairmen pagkatapos ng bagyo gamit ang generator set kung nawalan ng kuryente ang kanyang lugar para makapag-bigay ng update sa national government.

Maliban dito, ang mga dating walang internet na baangay ay magkakaroon na ng internet signal na kasama sa mga benepisyo ng government satellite receiver at makakasagap na ng lahat ng government media, kasama ang tv at radyo.

Binigyang diin pa ni Sec. Andanar na lahat ng impormasyon mula sa Malakanyang ay maaari nang dumiretso sa mga barangay gayundin ang mga impormasyon na gustong iparating ng mga punong barangay sa Executive branch ng pamahalaan . KRIS JOSE


Viewing all articles
Browse latest Browse all 58177

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>